PAGKATAPOS ng duty ni Iza sa Orchedia ay nauna na siya kay Argius na umuwi sa condo nito. Binigyan siya nito ng access card para makapasok siya sa unit nito. May aasikasuhin pa raw ito kaya male-late ng uwi. Tiniyak naman nito na makahahabol ito sa hapunan. Pagpasok sa kusina ay kaagad siyang nagluto. May nadala pa silang tilapia na malinis na at ito ang kanyang niluto. Pinrito niya ito upang gawing sweet and sour fish. Baka maghanap ng ibang ulam si Argius kaya nagluto rin siya ng adobong manok na mayroong patatas. Mabilis lang naman itong lutuin kaya may oras pa siya para magpahinga at maligo. Alas-otso na ng gabi pero wala pa si Argius. Nagugutom na rin siya pero tiniis niya kahit nakahain na sa lamesa ang pagkain. Naligo na muna siya. Hindi rin siya nagtagal sa banyo baka biglang da