HINDI maintindihan ni Iza bakit parang binubusa ang puso niya. Nakahiga siya sa kama habang nagpapahinga. Kahapon lang sila nakauwi mula ospital. Kinumpirma ng doktor na buntis siya at pasalamat siya dahil hindi napahamak ang baby niya. Hindi siya puwedeng magkikilos at lalong hindi siya puwedeng ma-stress. Katatapos lang niyang mag-almusal nang biglang sumakit ang dibdib niya, partikular na sa gawing kaliwa kung nasaan ang kanyang puso. Sobrang sakit nito, parang aatakehin siya ng stroke. Nagpumilit siyang tumayo at naglakad ngunit nangangatal ang kanyang mga tuhod. “Lori!” sigaw niya. Lalong kumirot ang dibdib niya nang gumalaw siya. Umuwi sa Lipa ang papa niya para bisitahin si Elena na nasa ospital. Malapit na itong manganak kaya pabalik-balik sa doktor. Silang dalawa lang ni Lori a

