WALANG tigil sa pagpatak ang luha ni Iza habang mag-isa siyang nakaupo sa pang-dalawahang upuan ng bus sa bandang likuran. She planned it, to escape even it would hurt her much. Pumasok siya sa banyo ng fastfood chain pero hindi siya nag-CR. Doon siya nagpalit ng damit. Nagbaon siya ng damit ni Argius at short pants. Nagdala rin siya ng ball cap na hiniram niya sa anak ng kawaksi na tibo. Inipon niya ang kanyang buhok at itinago sa sombrero para magmukha siyang lalaki. Noong lumabas siya ng palikuran ay nakita niyang nakaabang sa labas ang isang bodyguard ni Argius pero hindi siya nito nakilala nang dumaan siya sa harapan nito. Lumabas siya sa exit door at sa gilid ng mga nakaparadang kotse dumaan. Nang makalayo siya ay sumakay kaagad siya sa taxi at nagpahatid sa bus terminal papuntang