Chapter 10

2060 Words
HINAHAPO si Iza dahil sa sobrang bilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi siya makahinga nang maayos. Nawala tuloy ang excitement niya na makilala ang secret admirer niya. Nabuhay ang munting takot niya dahil kay Argius. “No. You're not real. You're a nightmare!” asik niya at akmang tatakbuhan ito ngunit mabilis nitong kinabig ang baywang niya. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib pero kasing tigas ito ng bato. Lalo lang siyang nasasaktan. “Bitawan mo ako! Help!” sigaw niya. “Give me a chance, princess... give me a chance.” He begged her. Hindi siya nakinig. Kaliwa at kanan niyang sinasampal ang mukha nito. Lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “Let her go, sir! Don't force her, that's not right!” narinig niyang pigil ng pamilyar na boses ng lalaki. Awtomatikong pinakawalan naman siya ni Argius. Nabaling ang tingin niya sa lumapit na lalaki. It was Antonio, the personal assistant of Argius. Hindi niya ma-gets ang sinabi nito pero bakit mabilis na sumunod si Argius dito? Hinarap naman ni Argius ang alalay nito na tila nagalit pa. “What's wrong? She accepted my gift, it means, she accepted me,” kausap nito kay Antonio. “Yes, she does, but it's because you're anonymous. She doesn't have an idea who sent those kinds of stuff to her,” paliwanag ni Antonio sa boss nito. Naguguluhan si Iza. Bakit parang bata na pinapangaralan ni Antonio ang amo nito? At parang inosente namang sumagot itong Argius na ito? “But I thought she likes me. I'm just followed what I had read in the book,” giit ni Argius. “Yes, pero hindi instant ang lahat. You need to make it gentle. It takes time to develop.” “F*ck!” Argius’s cursed. He’s being uneasy while full of disappointment on his handsome face. “I can't wait for her to be ready! I'm not gentle, Antonio!” Iniwan ni Antonio ang nag-aamok nitong amo at lumapit kay Iza. Kinakabahan siya. Ano kaya ang problema ng mga ito? Parang mga abmormal lang, darn! Hinila siya ni Antonio palayo kay Argius. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa 'yo, Iza. Alam ko’ng naguguluhan ka,” apologetic nitong sabi sa mahinang boses. Sinipat niya si Argius. Nakatingin ito sa kanila habang nakapamaywang at nanlilisik ang mga mata. “Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ano ba ang problema n'yo?” balisang sabi niya. “I'm sorry. It's difficult to explain in a short time. Puwede bang makisama ka muna? After this night, I will try to explain it,” nakikiusap na sabi ni Antonio. Aba, siya pa ngayon ang mapapasubo? “Kalokohan! Hindi ko kilala ang boss mo. Hindi ako makikisama sa kanya!” protesta niya. “Please, pagbigyan mo siyang makasama ka at makapag-usap kayo.” Napanganga siya. Hindi niya maintindihan. “Pakikisamahan ko ang baliw mong boss? Seryoso ka? Matapos ang pag-kidnap niya sa akin noon, sa palagay mo magtitiwala pa ako sa kanya?” “Alam kong na-trauma ka, but we didn’t intend to kidnap you. Hindi mo kasi naiintindihan.” “Hindi ko talaga naiintindihan! Ang weird ninyo.” Namaywang siya. Pasimple niyang sinisipat si Argius. Nakasandal na ito sa pinto ng van pero nakatingin pa rin sa kanila. “Hindi ako sasama sa kanya na kaming dalawa lang,” pagmamatigas niya. “Okay, I'll be around. Makipag-date ka lang sa kanya. Wala kayong ibang gagawin kundi kakain at mag-uusap, just like that. Parang awa mo na, Iza.” Nagmamakaawa na si Antonio. Hindi talaga niya maintindihan. May something nga ata sa boss nito, something not normal though. May tiwala siya kay Antonio pero hindi sa boss nito. “Iyon lang ba talaga ang gagawin namin?” sigurestang tanong niya. “Yes,” tugon nito. “Babantayan ko kayo. Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahamak basta huwag kang magpakita ng aksiyon na magtataboy sa kanya.” “Ano?” Naloloka na siya. Napatingin siya sa kamay ni Antonio na may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. Naglabas ito ng wallet. “Magkano ba ang kailangan mo? Ibibigay ko kahit magkano basta pumayag ka lang makipag-date kay Argius,” natatarantang sabi nito. Napanganga siya sa sobrang pagkawindang. May mga sayad ata ang mga taong ito. Nagbibilang na ng pera si Antonio. Pinigilan niya ito. “Stop!” mariing awat niya. “Hindi mo ako kailangang suhulan,” aniya. Umaliwalas ang mukha ng lalaki. “Whatever you want, just name it,” anito. “Okay, makikipag-date ako sa amo mo pero tiyakin mo na wala siyang gagawing masama sa akin,” kondisyon niya. Tumango si Antonio. “I assure you that. Thank you. Thank you, Iza.” Halos halikan nito ang mga paa niya. “It's okay. Basta mangako ka sa akin na babantayan mo kami,” aniya. “Yes, ma'am. Thank you talaga.” Pagkuwan ay binalikan na nito ang nag-e-emote nitong amo. Napapakamot ng ulo si Iza. Ano ba itong nangyayari sa buhay niya? Why she encountered this kind of person? TAHIMIK lang si Iza habang nakaupo sa dulong upuan sa backseat ng van. Katabi niya si Argius. Tahimik lang din ito. Napansin niya, kaninang kasasakay nila ay tatlong dangkal ang agwat nito sa kanya. Ngayon ay halos wala nang isang dangkal ang pagitan nila. Umuusod ito padikit sa kanya. Habang papalapit ito ay parang binabayo ang dibdib niya. Kinakabahan siya. Kumislot siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita. Hindi niya ito kayang tingnan. Ang laki ng kamay nito at makinis. Mas magaspang pa ata ang palad niya rito. Ang bangu-bango nito, nakaa-addict ang amoy. Sobrang guwapo rin nito kahit parang kakain ng tao kung tumingin. Pinisil nito ang kamay niya. Dapat kanina pa niya iniwaksi ang kamay nito pero naisip niya ang sinabi ni Antonio. Hindi dapat siya magpakita ng hates dito. As long as hindi siya nito binabastos, magtitiis siya. Wala pa rin silang kibuan kahit nang makapasok sila sa eleganteng restaurant. Nakasunod lang sa kanila si Antonio pero ibang lamesa ang inukupa nito sa ‘di kalayuan. Gentlemen naman si Argius. Pinaghila siya nito ng silya saka ito umupo sa tapat niya. May lumapit naman kaagad na waiter at binigyan sila ng tig-isang menu book. Nahihiya siyang mag-order nang makitang ginto ng presyo ng mga pagkain. Five hundred ang pinakamura pero sabaw lang 'yon. Pinagpapawisan siya ng malapot. Hindi siya makapag-decide. Ibinaba niya ang menu book at tiningnan si Argius. Nagulat siya nang tulalang nakatitig lang ito sa kanya. Hindi nito ginalaw ang menu book. Lalo siyang pinagpawisan, malamig naman. Balewala ang lamig na binubuga ng air-con. “Uhm. I-ikaw na ang mag-order,” naiilang na sabi niya rito. “No, you choose,” seryosong sabi nito. Panay ang lunok niya ng laway. Pakiramdam kasi niya ay tuyung-tuyo ang kanyang lalamunan. Ibinalik niya ang tingin sa menu saka pinalapit ang waiter. Kung anu-ano na ang itinuro niya. Bahala na. Hindi naman siya ang magbabayad. Nang umalis ang waiter ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag. Kunwari may ka-text siya para lang hindi maligaw ang paningin niya kay Argius. Kahit hindi niya nakikita, ramdam niya na nakatitig pa rin ito sa kanya. Ramdam niya ang nakapapasong init mula sa titig nito. Ganoon lang ang ayos nila hanggang sa dumating ang order niyang pagkain. Idinamay na niya ang kakainin ni Argius since mukhang wala itong balak um-order. Nagugutom na siya kaya walang kiming sumubo siya ng pagkain, na kahit hindi niya pamilyar ay masarap. Italian restaurant ang pinasukan nila kaya Italian food lahat ang sini-serve. Pasta ang una niyang kinain. Nawala siya sa focus nang mapansing hindi kumakain si Argius. Nakatitig lang ito sa kanya. Hindi siya sanay ng ganoon, na may nakatingin sa kanya habang kumakain. “Hm, eat na,” puno ang bibig na sabi niya rito. “Thanks. Ikaw ang gusto kong kainin,” seryosong sabi nito. Napaubo siya. Mabuti na lang nalunok na niya ang pagkain. Kinuha kaagad niya ang baso ng tubig saka tinungga. Bumara ata sa dibdib niya ang pasta. Hinilut-hilot niya ang kanyang dibdib. Hindi niya namalayan ang paglipat ni Argius sa tabi niya, sa gawing kaliwa. Hinahagod na nito ang kanyang likod. Natigilan siya. Hindi siya puwedeng tumagal na kasama ito. “Okay na ako,” aniya. Sumubo ulit siya ng pasta. Hinila nito ang silya saka ito umupo sa tabi niya. Humahagod pa rin ang kamay nito sa likod niya. “Eat slowly, princess,” he muttered in a husky voice. Para siyang unti-unting tinutunaw ng presensiya nito. “Okay na ako sabi,” may iritasyong sabi niya. “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” namimilog ang matang tanong nito. “I like it, I just need to focus. You may go back to your seat.” “Do you want some wine? I’ll order ia for you.” “Ah, hindi na. Okay na ako sa juice. Kumain ka na nang matapos na tayo rito.” Parang bata na nakatingin lang sa kanya si Argius. Pakiramdam niya’y sinisilaban ang kanyang katawan. Kung makatitig ito ay tila gusto siyang hubaran. His seductive eyes seemingly creating an unusual sensation that she couldn’t ignore. He’s a temptation. Hindi ganoon kahina ang depensa niya sa lalaki, pero iba si Argius, ginigimbal nito maging kaluluwa niya. Sobrang lapit nito sa kanya kaya lalong hindi siya makakain nang maayos. Kung puwede lang ay iwan na lang niya ito pero ayaw niyang maging bastos. At saka, hindi pipitsuging lalaki si Argius, obvious na maimpluwensiya itong tao. “Are you still scared of me, princess?” mamaya ay tanong nito. Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing tinatawag siya nitong ‘princess’; it sounds classy but she couldn’t feel it fits in her. He treated her like a royal woman, and she’s not comfortable with it. “Uh, I’m just not comfortable that way you treat me,” sabi niya pagkuwan. Bumagal ang kanyang pagsubo ng pagkain. “What do you want I am going to treat you?” “Just be gentle.” “Mukha bang marahas ako sa iyo?” kastigo nito. Hindi niya ito magawang titigan kahit may isang dangkal lang ang pagitan nito sa kanya. Hindi na siya kumain. Uminom na lamang siya ng red juice. Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa apoy, hindi niya maramdaman ang presensiya ng paligid. Para bang silang dalawa lang ni Argius ang naroon. Kumislot siya nang hinawakan pa nito ang baba niya at pinihit ang kanyang mukha paharap dito. He gently caressing her soft cheek while seductively staring at her eyes. Napilitan siyang makipagtitigan dito. Sa isang gilap ay tila unti-unting nalulusaw ang kanyang kamalayan. Naramdaman na lang niya ang paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha. She froze as she felt his warm and soft lips rubbing against her mouth. The instant heat rose from her innermost and running towards in every inch of her skin. She didn’t respond, but his strong tongue started to explore and gently licking around her mouth. Nabuksan nito ang kanyang bibig at ginalugad ang kanyang panlasa, na siyang nagpangatal sa kanyang kalamnan. Ginapang ng bayolenteng init ang bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. Her trembling knees woke her mind and slapped her the fact that he seduced her. Shit! No! My nerves! Bago pa siya mawala sa huwisyo ay humugot siya ng lakas saka itinulak si Argius. “Bastos!” asik niya nang mahimasmasan. Marahas siyang tumayo. May lalaking lumapit sa kanila. “May problema ba, miss?” tanong ng lalaki. Tumayo si Argius at hinarap ang lalaki. “Nothing, she was just mad at me. She's my wife,” sabi nito sa lalaki. “Uh, sorry, sir,” anang lalaki saka bumalik sa lamesa nito. Aalis na sana si Iza pero napigil siya ng kamay ni Antonio sa kanang braso. “Please, calm down. Just sit and eat. Kakausapin ko lang si Argius,” bulong sa kanya ni Antonio. Hinahapong ikinakalma niya ang kanyang sarili. Sumama naman si Argius kay Antonio sa lamesa na inuukupa nito. Ang weird talaga ng isang iyon. Hindi na tuloy siya sigurado kung tao ba ito. Pero ang ipinagtataka niya bakit para siyang nahipnotismo nang halikan siya ni Argius. Sandali siyang nawala sa wisyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD