ALAS-SAIS ng hapon nakalapag ang eroplano sa landing space ng lupain ni Argius sa Rome. Pakiramdam ni Iza ay ang lapit lang ng Italy sa Pilipinas. Excited na siya bumaba kaya nauna na siya kay Argius. Ang sarap talaga ng klima sa Italy. It was her fourth time visiting the country. Though the third time was unexpected, it's still a memory where Argius brought her to his house for a date. The ridiculous date was unforgettable. Lulan na sila ng limousine at patungo na sa mansiyon ni Argius. Mas malaki ang mansiyon nito roon kumpara sa Pilipinas at mas maganda. Hindi pa naka-park ang sasakyan ay nakikita na niya ang mga kasambahay na nakahilira sa entrada ng mansiyon. Isa lang ang natatandaan niya sa kanila, si Nanny Rossie. Noon ay ito lang ang nakita niyang naroon sa mansyon at ang chef na