“P-PAPA!” nagkandautal na bigkas ni Iza. Natatarantang isinara niya ulit ang pinto. “Wait lang, pa! Magbibihis muna ako!” sigaw niya. Tumakbo siya pabalik sa kusina at walang abog na hinila si Argius. Naudlot ang pagsubo nito at nagpatianod na lamang sa kanya. Dinala niya ito sa kuwarto. “W-what happened?” balisang tanong nito. “Kuwan, magtago ka muna! Dito ka lang, huwag kang lalabas, okay?” Habilin niya rito. Nag-aapura siyang nagbihis. “Why? Ano'ng nangyayari? Sino ang kumatok?” naguguluhang tanong nito. Hindi niya ito sinagot. Nang makapagbihis ng legging at puting blouse ay kaagad siyang lumabas ng kuwarto. Binuksan niya ulit ang main door at pinapasok ang papa niya. May dala pa itong isang malaking plastic bag na puno ng iba't-ibang gulay at prutas. Iginiya niya ito sa sala at