SA hotel na naghapunan ang magkasintahan. Pasado alas-nuwebe na ng gabi sila nakarating sa hotel kung saan sila naka-check in. Pagkatapos kasi ng pambihirang proposal nito ay ipinasyal pa ni Argius si Iza sa ibang magagandang tourist destination sa lugar na iyon. Halos ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon. Kinabukasan pa ng tanghali ang flight nila pabalik ng Italy. Gusto pa sana niyang sulitin ang nalalabing oras pero hindi na pumayag si Argius dahil gabi na. Pansin niya na mainipin sa pamamasyal ang binata. Talagang sinamahan lang siya nito pero halatang gusto na ring magpahinga. But at least, he’s willing to sacrifice for her happiness. Binili din nito lahat ng magustuhan niyang gamit. Siyempre, binilhan din niya ng pasalubong ang kaanak niya. “This Sunday, we will meet the lawye