KUMAKAIN si Antonio nang lapitan ito ni Argius. Kailangan niya ng tulong nito para malagpasan ang pagsubok na tinatamasa niya kay Iza. Mukhang hindi na niya matatakasan ang banta ng kanyang ina. Tama si Antonio, nakuha na ng nanay niya ang tiwala ni Iza. Naiinis siya dahil hindi man lang nila ito mahuli-huli. Maaring may ginagamit itong itim na kapangyarihan kaya ito nakatatakas sa tauhan niya na naghahanap dito. Umupo siya sa silyang katapat ni Antonio. “I can’t take it easy, Antonio. I feel the influence of my mother on Iza,” balisang sabi niya. “Alam mo na ba ang dahilan ng panghihina mo sa apartment niya?” tanong ni Antonio. “Not yet but I'm sure, it was a kind of prayer. May alam na dasal si Iza na maaring kinabisado nito sa mismong bahay.” He's still felt the effect of the curse