Chapter 3

2375 Words
NAGISING kinabukasan si Iza na naroon na siya sa kama ng inuukupa niyang hotel suite. Napangiwi siya nang tila mababasag ang ulo niya dahil sa matinding kirot. Nang humupa ang kirot ay naalala niya ang mga nangyari, lalo na ang natuklasan niya kay George. Nabuhay nang muli ang nakapanlumong sakit sa kanyang puso. Nangilid ang maninipis niyang luha mula sa namumugto niyang mga mata. He promised to respect her decision to get married before giving her virginity to a guy she loves. Pero mukhang hindi na uso ang ganoong kalakaran. Iniisip niya na iba si George, na hindi lang s*x ang gusto sa isang relasyon. Nagkamali siya ng lalaking pinili at pinagkatiwalaan nang lubos. Ito pala ang kauna-unahang lalaki na susugat sa kanyang puso. Magkasunod na katok sa pinto ang nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. Mayumi siyang kumilos at bumangon. Tinungo niya ang pinto at binuksan. Bumungad sa kanya si Alfred kasama ang waiter na may bitbit na pagkaing nakapatong sa tray. “Okay ka na ba?” tanong sa kanya ni Alfred. Tumango siya kahit taliwas sa totoong nararamdaman niya. “Good morning, ma’am!” nakangiting bati naman ng waiter. Matabang siyang ngumiti. “Mag-almusal ka muna. Mamayang alas-siyete ng gabi ang flight natin pauwi ng Pilipinas. Ayaw nang dumalo ni boss sa ibang activities bukas,” saad ni Alfred. “Sige, salamat,” walang buhay niyang turan. Pinapasok naman niya ang waiter para ilapag ang pagkain sa mesita niya. Pagkuwan ay umalis na ang mga ito. Kahit walang ganang kumain ay pinagtiyagaan niyang maubos ang almusal niya. Pagkatapos kumain ay hinanap niya ang kanyang cellphone sa bag. Nawala ito! Hindi niya maalala kung saan niya iyon iniwan. Sa bar ba o doon sa pinagdalhan sa kanya ng lalaking tumulong sa kanya. At paano siya nakabalik doon sa hotel? Ayon kay Alfred, may naka-kotseng lalaki na naghatid sa kanya. Ang guwardya ang nagpasok sa kanya sa kuwarto niya habang tulog siya.   Pagbalik sa Pilipinas ay isang masamang balita ang bumungad kay Iza. Saktong kabibili niya ng bagong cellphone at sim card ay tinawagan kaagad niya ang papa niya. Mabuti nakalista sa notebook niya ang mga importanteng contacts. Ibinalita nito na kamamatay lang ng lolo niya. Kailan lang ay isinugod sa ospital ang lolo niya dahil sa colon cancer. Naisanla ng papa niya ang farm lot nila para sa papa-chemo ng lolo niya. Wala pang isang taon noong namatay rin ang lola niya dahil naman sa breast cancer. Halos maubos ang ari-arian nila dahil sa magkasunod na gastusin. Nag-file kaagad siya ng emergency leave saka umuwi siya sa Lipa. Kaliwa’t kanan ang pagluluksa ng puso niya. Ang bilis niyang nangayayat dahil sa magkasunod na puyat. Nasundan pa ito ng balitang nagkagulo sa kompanyang pinagtrabahuhan niya. Dahil sa issue ng mag-asawang amo niya ay napagdesisyunan ng mga ito na maghiwalay at naibenta ang kompanya. Hindi na siya bumalik sa kompanya. Pinalad ma,am siyang makapasok sa Orchedia Philippines, a famous manufacturing company of soap, shampoo, and any cosmetic products.   Nagulat si Iza nang isama siya ni Marita sa listahan ng mga babaeng empleyado na isasali sa annual auction party ng kompanya nila. Marita was their officer in charge of the accounting department. She’s friendly and a good leader. “Bakit ako?” namimilog ang mga matang tanong niya. Tatlong buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa Orchedia Philippines, Incorporated. Kilala rin ang Orchedia sa may mamahaling produkto dahil sa imported ingredients mula Spain at Italy. Kaya kapag may tatak na Orchedia ang shampoo o sabon, sosyal ang tingin ng karamihan. “Hindi naman ako kagandahan, eh,” sabi niya pa. Nasa opisina sila at nagkukuwentuhan. Lunch break kasi. Nananahimik siya sa table niya nang ipaalam sa kanya ni Marita ang tungkol sa auction. Naiinis siya kahit pa mayayamang businessman ang magbi-bid. Kalokohan! Sino ba ang loko-lokong magbibigay ng malaking halaga para lang sa isang gabing date? “It's good for you, Iza. ‘Di ba niloko ka ng ex mo. It's time to find a new fafa,” gatong naman ni Garcilia, na katabi niya ng table. Naikuwento niya sa mga bagong katrabaho ang naging karanasan niya sa walanghiyang ex-boyfriend niya’ng si George. She didn’t entertain his calls. Their relationship is over even without proper closure. Ang hangal, kinuha pa ang bagong cellphone number niya sa kapatid niyang lalaki. Anim na buwan na rin magmula noong nagkita sila sa Italy. “Oo nga naman, Iza. Malay mo, may guwapong businessman na mag-bid sa’yo ng malaking halaga, then ma-in love sa‘yo,” sabad naman ni Karla, na nakapuwesto sa unahan niya. Lalo siyang nairita. As usual, most of the businessmen are at the older ages and some are foreigners. Wala pa siyang kilalang below thirties ang edad, kung meron man siguro bihira. “Marami namang magagandang empleyado ng factory, ah?” sabi niya. Ayaw niya talagang sumali. Lumapit sa kanya si Marita at hinilot-hilot ang likod niya. “Ganito kasi 'yon, Iza,” panimula nito. Diniinan pa ang masahe sa likod niya. “Required kasi sa mga girl employees na ibi-bid na four years graduate, twenty-years-old and above, maganda, sexy at siyempre, may utak din. Ikaw lang ang single rito sa department natin kaya ikaw ang napili,” anito. Bumuntong-hininga siya. Naiinis pa rin siya. Ano naman kaya ang mapapala niya sa auction na iyon? Buti sana kung makakakuha siya ng isang milyon. Papayag talaga siya. Iti-take advantage na niya iyon since need talaga niya ng isang milyon para matubos niya ang naisanlang lupa nila sa Lipa. “Wala bang cash reward 'yon?” tanong niya. “Ano ka ba? Walang premyo pero may pakunsuwelo si CEO,” natatawang sagot ni Marita. Tumayo siya. “Ayo’ko! Palitan n'yo ako!” protesta niya. “Relax, Iza. Pero ito ang good news,” ani ni Marita. Bumaling ito sa harapan niya. “Our CEO chose you, and if you got a bid at least fifty thousand, he will give you twenty-thousand pesos instant cash. May pera ka na, makaka-date mo pa ang isa sa guests nating billionaire.” Bigla siyang kumalma. Well, not bad. Napa-isip-isip din siya. Imagine, ang CEO pa pala nila ang pumili sa kanya? Hindi naman siya mukhang pera, need lang talaga niya ng pera para matubos na niya ang one-hectare farmland nila sa Lipa na naisanla ng papa niya para maipagamot ang lolo niya na namatay lang din. Pumayag na siya sa auction na iyon. Tuwang-tuwa naman si Marita. Tutulungan daw siya ng mga katrabaho sa lahat ng kailangan niya. Dapat lang kasi wala talaga siyang kainti-interes sa fashion. Maka-old-fashioned pa rin siya. Simple lang siyang manamit, as in simple jeans and blouse.. May uniform naman sila at tuwing Friday lang puwedeng magsuot ng casual attire.  Sabi nga ni Marita, parang hindi naman halata sa kanya na nagmula siya sa mayamang pamilya. Well, dati 'yon. Noong hindi pa pinagbebenta ng papa niya ang ekta-ektaryang lupain nila sa Lipa at buhay pa ang lolo niya’ng dating mayor ng Lipa. Pagkatapos niyang kumain ay pumasok siya sa palikuran at nag-toothbrush. Pinagmasdan niyang maigi ang sarili niya sa malaking salamin. Sa edad niya’ng biyente-singko, hindi siya naglalagay ng mascara o makapal na makeup. Manipis na lipstick lang at face powder okay na siya. She loves herself for being simple. For her; simplicity is the real beauty. She doesn't care if some people called her ‘old lady’, kasi makaluma raw siyang tao pagdating sa pag-aayos. Pake niya naman, 'di ba? Kontento na siya sa natural niyang ganda at tindig. Limang talampakan at anim na pulgada ang taas niya, morena pero makinis ang kutis, balingkinitan ang katawan. Napangiti siya sa naisip na si Mr. Lambert Cruz kaya napili siya nitong isama sa auction. But their hunk CEO is unfortunately engaged to his supermodel girlfriend. Kasama siya sa mga babaeng nabigo nang malaman iyon. She had a crush on him.  Artistahin kasi ito. Hindi halata na thirty-five-years old na. Ayaw na niyang magseryoso sa lalaki simula noong niloko siya ni George. May mga nanligaw sa kanya pero hanggang flirting lang at ayaw niyang bigyan ng dahilan ang lalaki para habulin siya. Naalala na naman niya ang estrangherong lalaki na nagligtas sa kanya noon mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya sa Italy. Hanggang sa sandaling iyon ay palaisipan pa rin sa kanya ang tungkol doon. Hindi man lang sila nagkakilala. Ni hindi niya nakita ang malinaw na mukha niyon. HINDI komportable si Iza sa suot niyang backless red evening gown. Hanggang kalahati ng hita niya ang slit nito at strapless kaya feeling niya ay luluwa ang kanyang dibdib. First time niyang nagsuot ng ganoong damit. Hapit ito sa baywang niya kaya hulmang-hulma ang nakatagong alindog niya. Three inches pa ang takong ng pulang sandals niya. Inisang tali ang buhok niya nang pagkataas-taas. Lahat ng suot niya ay provide ng mga kasama niya sa accounting department. Sagot din ng mga ito ang gastos sa makeup niya. “Gosh! Ang ganda mo, girl!” kinikilig na sabi sa kanya ni Karla. “Smile ka naman para maraming maakit sa 'yo,” sabi naman ni Martia. Nakasimangot kasi siya. Kinaladkad pa siya ng mga ito patungo sa function hall ng Orchedia building. Ready na raw ang lahat. Kinakabahan siya habang paakyat ng stage. Nakahilira na rin doon ang naggagandahang kababaihan. Nasa huling pila siya kasi siya ang huling tatawagin. Ang sabi ni Marita, ang perang maiipon sa auction na iyon ay mapupunta sa maraming charity foundation ng Orchedia. Kaya pumayag siya upang makatulong na rin sa mga taong higit na kailangan ng suportang financial. Taas noo siyang tumingin sa audience. Wala man lang siyang makitang bata at guwapong businessman na nakaupo sa VIP table. Merong guwapo pero may edad na. Nagsalita na ang babaeng auctioneer. “Good evening ladies and gentlemen! Tonight is the Annual Auction party of Orchedia Philippines, Incorporated. And I'm so excited about this! Before we proceed, I would like to give a warm welcome and thank you to all our beloved guests, and all of the sponsors for tonight. So, let's begin!” Umugong ang palakpakan. Isa-isa na silang tinawag ng auctioneer at ipinakilala. Nakikiramdam lang siya. Excited na rin ang mga guests nila lalo na ang mga businessman at politician na naroon para maki-bid. Pinakilala ang number one. Maganda ang babae. Hindi pa niya ito na-meet ni minsan. Pero ang sabi ni Karla, ito raw ang nakakuha ng pinakamataas na bidding last year. Nawindang siya nang malalaking halaga ang bid nito. Ang pinakamababa ay half million. Nakuha ito ng three million mula sa Chinese-Filipino businessman. Ang sumunod ay mabababa na. Mukhang wala nang matitira sa kanya. Kinakabahan siya. Ayaw niyang maging kahiya-hiya. Nagulat pa siya nang siya na ang tinawag. “Last but not least, Ms. Izabelle Vicente! The bid starts with fifteen thousand pesos!” sabi ng auctioneer. Todo ngiti naman siya para hindi siya langawin doon. “Who would like to bid for this young and gorgeous lady? Anyone?” Lalo siyang kinabahan nang wala pang nagtataas ng kamay mula sa mga nakaupo sa VIP table. Maya-maya ay nagtaas ng kamay ang matabang singkit na lalaki na naka-amerikana. “Fifty thousand!” sigaw nito. Nanlaki ang mga mata ni Iza. Agad-agad? Pero napangiwi siya. Hindi ata niya kayang maka-date ang mamang ito. Mukhang mafia. Ayan na naman siya sa pagiging judgmental. Sinita niya ang sarili. “Wow!” amaze na komento ng auctioneer. “But anyone who wants to bid more than fifty thousand pesos?” tanong pa nito sa bidders. Nagtaas ng kamay ang lalaking nasa dulo ng lamesa. Medyo bata pa ito pero mukhang ordinaryong tao. He also wore a black suit. “One hundred thousand!” sigaw nito. Nanlaki na naman ang mga mata niya. Aba, itong matabang intsik ayaw patalo. “Two hundred thousand!” “Five hundred thousand!” sagot naman ng lalaking nasa dulo. OMG! Ang intense ng laban! “One million!” sabi ng mataba. Biglang tumahimik. Gusto nang maiyak ni Iza. Ayaw talaga niya sa mataba. Okay na siya roon sa mukhang alalay. Magsasalita na sana ang auctioneer pero nagtaas ulit ng kamay ang mukhang alalay. “Two million!” sigaw nito. Kitang-kita niya’ng umasim ang mukha ng mataba. Ano ka ngayon, ha? “Five million!” sigaw ng mataba. Pakiramdam ni Iza ay bumagsak sa zero ang blood pressure niya. Gusto na niyang mag-walk out. Pero nabuhayan siya ng loob nang magtaas muli ng kamay ang lalaking mukhang alalay. “Fifty million!” sabi nito. Napanganga si Iza, pati ang auctioneer ay nagulat. “Is he okay?” komento ng isa sa audience. “That's too much!” komento rin ng boses babae sa 'di kalayuan. At last, the fat and mafia look like man walked out. Tuwang-tuwa si Iza. The alalay won! Hindi na masama. Sabi nga ng ilan, ‘don’t judge a person by its physical appearance’. Simple lang ito pero galante pala. “Ms. Izabelle Vicente is sold for fifty million! OMG! This is the first time in Orchedia's annual auction history!” kinikilig na sabi ng auctioneer. Shocked na bumaba ng stage si Iza. Sinalubong naman siya ng lalaking mukhang alalay. Seryoso ito habang hawak ang kamay niya. Napaisip siya. Simple lang ang lalaking ito pero sino ang mag-aakalang ganoon ito kayaman? Hindi komportable si Iza habang lulan siya ng limousine katabi ang lalaking nagwagi sa kanya. Sobrang tahimik nito. Pero ang kontrabida niyang isip ay nagpoprotesta. Baka nagkakamali siya ng taong sinamahan. Baka naman isang drug lord itong lalaki kaya ganoon ito kayaman. What the hell, Iza? Tama bang pag-isipan ng masama itong ka-date mo? Kahit kailan talaga napaka-paranoid mo,” sita ng kabilang bahagi ng isip niya. “Saan tayo pupunta?” hindi natiis niyang tanong sa lalaking katabi. Ano kaya ang mangyayari sa date nila nito kung ganoon ito katahimik? “We're going to Italy to meet my boss as your date,” sagot nito. Nanalaki ang mga mata niya. “What?! Y-your boss?” bulalas niya, na napapaangat sa kanyang upuan. OMG! Mali nga ata ang taong sinamahan niya! Ibig nitong sabihin, hindi ito ang ka-date niya kundi ang boss nito!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD