NAGPROTESTA si Iza habang lulan ng kotse. Ang layo naman ng pagdadalhan sa kanya ng lalaking nag-bid ng malaking halaga para sa kanya.
“No! This is not right! I’m not going to Italy!” asik niya.
Nagwawala siya at pilit binubuksan ang pinto ng kotse. Nang mapagod ay bumalik siya sa pagkakaupo. Hinahapo siya. Natanto niya na kahit magwala siya ay hindi rin naman siya makaaalis.
“Don't forget the fifty million, Ms. Iza. My boss spent that money just to date you, for one night,” sabi ng lalaki na biglang nagpakalma sa kanya.
Umupo siya nang maayos. May tama ata sa utak ang boss nito. Imagine, naglaan ito ng ganoon kalaking halaga para lang maka-date siya ng isang gabi. At saka, bakit siya? She didn’t even know the guy, or he knows her? Ano ba ang nakita niyon sa kanya kung talagang nakita na nga siya nang personal? Isa lamang siyang simpleng babae na may ordinaryong kagandahan.
Tama nga siya, alalay lang itong lalaki na dumalo sa auction na inutusan ng boss nito. Curious tuloy siya sa boss nito. Wala naman siyang maalala na nakilala niyang bilyonaryo na personal.
“P-pero hindi ako puwedeng sumama sa inyo. Expired na ang passport ko at wala akong visa,” mahinahon nang sabi niya.
“That's not a problem,” sabi lang ng lalaki, seryoso pa rin. “Here we go. Just calm down, you’re safe with us.”
Pumasok sila sa isang malaking gate. May five story building silang dinaanan. Pagkatapos ay dumiretso sila sa malawak na tila paliparan. Nawiwindang siya. May nakita siyang medium size na eroplano, a private plane, she guessed, na tila iyon ang sasakyan nila papuntang Italy.
Woah! Private plane nga! Ganoon ba talaga kayaman ang boss nito? No! May mali. Hindi siya sasama sa mga ito. Pagbaba nila ng kotse ay tumakbo siya palayo sa mga ito. Walang humabol sa kanya ngunit pagdating niya sa gate ay sarado na iyon. Sobrang taas ng mga pader at hindi niya kayang akyatin.
Mamaya ay may malaking lalaki na nakatayo sa likuran niya. Para itong bouncer na nakasuot ng itim na sando. Nako po! Nasa kamay nga ata siya ng mga sindikato. Pero bakit siya?
“Sumunod na lang po kayo, ma’am,” mahinahong sabi sa kanya ng lalaki.
“No! Gusto ko nang umuwi!” asik niya.
“Kailangan n'yo pong sumunod kung hindi ay mananagot kaming lahat kay boss,” anito.
“Ano? At sino kayo para pilitin ako? Kidnapping itong ginagawa ninyo!”
“Pasensiya na po, sumusunod lang kami sa boss namin. Huwag kang mag-alala, makikipag-date lang sa ‘yo si boss. Pagkatapos ay iuuwi ka rin nila rito. Isang gabi lang naman iyon,” paliwanag nito, nakangiti pa.
Napangiwi siya. “Is your boss in a good mind?” aniya.
Ngumiti lang ang lalaki. Mamaya ay bigla na lang siya nitong binuhat sa balikat nito at dinala pabalik sa paliparan.
“Let me go!” Nagwawala siya at pinagsusuntok ang lalaki sa matigas nitong likod. Siya pa ang nasaktan sa ginagawa niya.
Sapilitan siyang ipinasok ng lalaki sa eroplano at pinaupo sa malambot na upuan. Pagkatapos ay bumaba na ito. Hindi na siya nakatayo nang umalog ang eroplano at handa nang lumipad. Pumikit na lamang siya at taimtim na nagdasal.
Mahaba-haba pa ang biyahe. Nang payapa na ang lipad ng eroplano ay nilapitan siya ng lalaking alalay.
“Ako nga pala si Antonio, personal assistant ng boss ko,” pakilala nito.
“Who the hell your boss is?” nanggagalaiting tanong niya.
“Makikilala mo rin siya pagdating natin sa Rome” sabi lang nito saka siya iniwan.
Sa Rome? Sa kabila ng takot ay naroon ang munting pananabik niya na makaapak muli sa Italy kahit may hindi magandang nangyari sa kanya sa lugar na iyon. Ipinagdasal na lang niya na sana ay matinong tao ang makaka-date niya. Pero sino naman ang matinong tao na mag-bid ng fifty million para sa isang gabing date?
Naintindihan niya na para sa charity ang malilikom na pera sa auction, at ang mga lumalahok ay gusto lang tumulong. Pero ang estilo nitong bilyonaryo na nag-bid para sa kanya, hindi siya natutuwa. May pa suspense pang nalalaman. Kahit mas mayaman pa iyon kay Bill Gates, she doesn’t care. Pagkatapos ng date, ituturing niyang bangungot ang gabing iyon.
May magandang babae namang lumapit sa kanya at iginiya siya papasok sa nagsisilbing kuwarto ng eroplano. May mini dining area roon at nakahanda na ang masasarap na pagkain. Humilab bigla ang kanyang sikmura. Wala pa siyang kinain bago sumabak sa auction party ng kumpanya. Iniisip kasi niya na dinner date lang sa malapit na restaurant ang mangyayari pagkatapos ng auction. Ang layo pala ng pupuntahan niya.
Kung anu-ano na ang naisip niya. Baka ika niya’y uugod-ugod na ang bilyonaryong negosyante na gusto siyng maka-date. O kaya’y may kapansanan at hindi kayang bumiyahe sa malayo. Napabuntong-hininga na lamang siya.
“Eat your meal, ma'am,” nakangiting babae saka siya iniwan.
Wala siyang choice kundi kumain. Pagkatapos ay bumalik ang babae at binigyan siya ng damit na pantulog.
“I'm Gregoria by the way. I'm one of the private flight attendants of Mr. Condrado,” pakilala ng babae.
Tinandaan niya ang apelyido ng boss nito. Pumasok na siya sa banyo at naligo. Bukas pa raw ng tanghali sila makararating sa Italy. Nababahala na siya. Paano ang trabaho niya? Mabuti sana kung ibabalik kaagad siya ng mga ito. Panay ang dasal niya na sana ay hindi masasamang tao ang mga ito. Pero mukha namang matitino ang staff. O baka siya lang itong marumi ang pag-iisip.
KAIN-TULOG lang ang ginagawa ni Iza hanggang sa makalapag sila sa malawak na paliparan. After lunch na sila nakalapag. Hindi iyon commercial airport. Private rin malamang. Isinuot niya ang dress na ibinigay sa kanya ni Gregoria. Hindi siya komportable dahil exposed and balikat niya at tuhod. Gusto lang niya ang tela na malambot sa balat at kulay na magenta. Ang bango nito, tila pinaliguan ng mamahaling perfume.
Pagbaba ng eroplano ay sumakay naman sila sa limousine rin. Bumiyahe na naman sila, may kalahating oras bago sila nakapasok sa malaking gate. Mahaba-haba pa ang itinakbo ng sasakyan bago nila narating ang three story house. Napakalaki ng bahay at ang gara.
Iginiya siya ni Antonio papasok sa malaking bahay. Lobby pa lang, parang buong ground floor na ng bahay nila. Halos yare sa mamahaling crystal ang mga kagamitan. Dumiretso sila sa second floor kung saan daw muna siya magpapahinga.
Humiga siya sa malaking kama. Ang laki ng kuwarto. Ang gara ng chandelier na nakasabit sa kisame. Para siyang nasa loob ng isang luxury hotel suite. Hindi siya nakontento sa tulog niya sa eroplano kaya kaagad siyang ginupo ng antok.
Parang binabangungot si Iza. Nang magising siya ay hapung-hapo siya. Saktong may kumatok sa pinto. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Isang matandang babae ang bumungad sa kanya. May hawak itong patung-patong na nakatuping damit.
“Hello, Ms. Iza!” kaswal nitong bati. Pumasok ito. “These are your clothes to wear while you are here. Choose your desire dress to wear later after you take a bath. Mr. Condrado is waiting for you in the dining room. I'll be back once you're ready,” sabi nito.
Umalis din ito nang makuha na niya ang mga damit. Kompleto ang damit pati underwear. Nagtataka siya. Sakto ang sukat ng underwear niya, maging ang kulay ginto na dress ay sakto lang sa katawan niya.
Kinakabahan siya. Iginiit niya na nasa isang panaginip lamang siya at magigising siya na nasa bahay lang nila. Wala siyang ideya kung sino itong Mr. Condrado na ito. Baka nga isa itong sindikato. Nako po!
“Diyos ko, tulungan n'yo po ako,” malakas niyang dasal.
Nakaligo na siya at nakapagbihis pero pinagpapawisan siya. Lalo siyang kinabahan nang may kumatok sa pinto. Pagbukas niya'y ang matandang babae ulit.
“Are you ready?” tanong nito. Seryoso ito. Hindi niya alam ang kaniyang isasagot. Kailangan may gawin siya para pauwiin kaagad siya ng mga ito.
Nang makalabas na sila ng kuwarto ay bigla niyang tinakbuhan ang ale. “Ma'am!” sigaw nito.
Mabilis ang takbo niya hanggang makarating siya sa ground floor. Tahimik doon. Nakabukas ang main door kaya diretso siyang nakalabas. Subali’t hindi naman niya malaman kung saan siya pupunta.
“Trying to escape, huh? Return my fifty million if you really want to quit this date.”
Natulos sa lupa ang mga paa ni Iza nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang boses nito, hindi lamang niya maalala kung saan niya huling narinig. Hindi siya makagalaw, tila may pumipigil sa kanya.
Ilang segundo siyang tulala bago muling nakagalaw. Nangatal ang mga tuhod niya dahil sa hindi mawaring kaba. Pakiramdam niya’y napadpad siya sa hunted na lugar. Natatakot siyang humarap sa nagsalitang lalaki.
Hindi niya iniisip na baka matanda na ito dahil tunog bata pa ang boses at buong-buo. Kinakabahan siya dahil sa iginigiit niya na masama itong tao. Imposibleng wala itong mahalagang pakay sa kanya dahil ang laki ng halagang ibinigay nito sa auction para lang maka-date siya ng isang gabi.
She took a deep breath before decided to face him. She was shocked when she didn’t see the guy. Lilinga-linga siya sa paligid. Ang tanging nakita lang niya ay ang matandang babae na naglalakad palapit sa kanya. Hinahapo ito.
“M-Ma'am, don't try to escape again. I told you, you can't go out here without the permission of Mr. Condrado. Don't provoke him. He's dangerous when mad,” hinahapong sabi ng matanda.
Mariing kumunot ang noo niya. Naguguluhan pa rin siya. Ang linaw-linaw ng narinig niyang boses ng lalaki kanina. O baka naman nagha-hallucinate na siya. Pero naisip niya, tama ang matanda sa sinabi nito. Kahit makalabas siya sa lugar na iyon ay wala rin siyang mapapala dahil wala siya sa Pilipinas.
“Please, come with me,” pagmamakaawa sa kanya ng matanda.
She didn't protest. Sumunod na lamang siya sa matanda kung saan man siya nito dadalhin. Curious na siya kay Mr. Condrado. Habang papasok sila sa maluwag na dining area ay tumulin pa ang t***k ng kanyang puso. Napako ang mga paa niya sa sahig nang matanaw niya ang mahabang dining table na puno ng pagkain ang bawat dulo ng lamisa, at sa gitna ay ang malaking pulang kandila lamang na nakatulos at flower vase na may nag-iisang tangkay na pulang rosas.
Kumislot siya nang biglang sumara ang pinto. Pagpihit niya sa kaniyang likuran ay wala na ang matandang babae. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka-lock na ito. Wala siyang makitang saradura. Automatic ata ang pinto. Kinalampag niya ito.
“Open the door! Help!” sigaw niya at nilakasan pa ang pagkalampag sa pinto.
Natigilan siya nang may maalinsangang hangin na dumampi sa kaniyang katawan. Kinilabutan siya.
“Stop shouting, Iza. I hate noise. Just go to the table and sit,” the baritone voice said again.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala naman siyang makitang ibang tao. Pinilit niyang maging matapang at kalmado.
“Who are you? What do you want?” tanong niya sa matigas na tinig.
“Sit first and let's dine,” sagot nito.
Hindi niya alam kung saan nagmumula ang boses na iyon. Bakit ayaw pa nitong magpakita sa kanya? Humakbang naman siya patungo sa mahabang lamesa. Hinila niya ang silya na nasa kanang dulo saka siya umupo rito. Tiningnan niya ang mga pagkain. Mukhang masasarap ang mga iyon pero wala siyang ganang kumain. Gusto na niyang umuwi.
Madilim ang ambiance ng kuwarto dahil sa kulob ito pero malamig sa buong silid. Malamlam ang mga ilaw ng magarang chandelier na nakasabit sa mataas ng kisame. Iyon lang ang source ng liwanag at ang malaking pulang kandila na nakatulos sa gitna ng mahabang lamesa, na mayroong labin-dalawang silya na pawang nababalot ng pulang kobre na kakulay ng table cloth.
She can't help but trying to ignore her nervousness. Her trembling hands on her lap were also cold. She heard the footsteps coming towards her. Naituwid niya ang kaniyang likod nang maramdaman niya’ng may mainit na mga kamay na sumampa sa kaniyang mga balikat. Kumabog nang husto ang dibdib niya. Pumisil ang mga kamay sa balikat niya, matitigas na mga kamay at malakas.
Nahigit niya ang paghinga nang may mainit na hanging bumubuga sa kanyang batok. “I missed you,” a male husky voice muttered. His soft lips touch her earlobe, sending a violent heat in her vein.
Nawindang siya. He said, he missed her, meaning, they already met before? Para siyang nahipnotismo at hindi niya magawang gumalaw. Naramdaman niya ang palad ng lalaki na humahaplos sa magkabilang pisngi niya. His hands gently bent her head, and she saw his blue eyes. His pointed nose touches her forehead. He planted a soft kiss on the tip of her nose.
Napapikit siya nang lumapat ang mainit nitong mga labi sa kaniyang bibig. Gumalaw ang mga labi nito at siniil siya ng marubrob na halik. Dumantay ang init patungo sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. His kiss was familiar. The intensity, and the sensation were also familiar.