Chapter 5

2426 Words
SINARIWA ng isip ni Iza ang karanasan niya noong naroon din siya sa bansang Italy, sa lugar ding iyon. Lalo na ang senaryo noong nagising siya sa puder ng estrangherong lalaki. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Para siyang nakalutang sa alapaap at walang kontrol sa kaniyang katawan. Tila may taglay na hipnotismo ang halik ng lalaki, na nagpatigil panandalian sa ikot ng kanyang mundo. His familiar kiss instantly killed her nervousness, it felt calming, yet awaken the burning sensation into her innermost. Nang lubayan siya nito ng halik ay muli siyang nagmulat ng mga mata. Hindi na niya makita ang mukha ng lalaki. Hindi na rin niya maramdaman ang mga kamay nito. “Welcome to my house, my princess,” wika ng lalaki mula sa kaniyang harapan. Pumitlag siya at awtomatikong naibaling ang tingin sa kaniyang katapat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa. Nakasuot ito ng abuhing tuxedo. Nakahabi ang mga hibla ng buhok nito palikod at may iilang isang pulgadang hibla na nakalawit sa noo nito. She can't help but found herself amazed as she curiously staring at his handsome face. His aura was dark and dominating. He has a beautiful set of eyes, though it looks reticent. His pointed nose was thin, and his lips were naturally reddish, kissable, and form a thin heart shape. He was fascinating all over. Hindi ito kaputian pero halatang makinis ang kutis at hindi siya sigurado kung ano ang lahi nito. Pero maaring Latino or Spanish. Obvious din ang matipunong pangangatawan nito kahit naka-tuxedo. Despite her amazement with his physical appearance, her nervousness and fear were still bothering her. She's not into an almost perfect guy when it comes to the physical aspect. She prefers simple but willing to love her, a husband material of course. Bigla niyang naisip si George, ang lalaking una niyang minahal pero una ring nanakit sa puso niya. They spent almost three years in their relationship. Akala nga niya ay ito na ang magiging asawa niya since napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal. Hindi perpekto para sa kanya si George pero lahat ng katangian nito bilang lalaki ay minahal niya, even his flaws and negative side. Playboy si George noong college sila. Naging seryoso sa kanya ang binata noong sila na. Pero mukhang hindi siya naging sapat dito. Okay na sana siya rito dahil may magandang trabaho. Nag-invest ito sa car auction ng parents nito. He came from a family of a politician, rich and famous. Parehong nasa politika ang parents nito. Ang ina nito ay nanalong congresswoman ng Lipa at ang tatay nito ay isang senador. He's the only son. Okay naman siya sa parents nito pero hindi pa rin niya maintindihan bakit bigla siyang pinagtaksilan ni George. Ang alam niya'y wala naman siyang pagkukulang dito maliban sa s****l needs na hindi niya naibigay rito. Noong pinilit siya nitong kausapin, inamin nito na nagkasala ito pero sinabi nito na hindi naman nito mahal 'yong babae. Bisita iyon ng mommy nito from Italy, naging kaibigan ang parents. Isang gabi lang nag-stay ang babae sa bahay ng mga ito at nalasing. Hindi siya nagtaka bakit mabilis natukso si George. He was sexually frustrated. Halik lang kasi ang kaya niyang ibigay rito noon. Masakit, napakasakit pa rin. Kaya isinumpa niya na hindi na siya magtitiwala sa mga guwapong lalaki, lalo na sa mayaman. Si George lang naman ang naging boyfriend niyang mayaman kasi pinatunayan nito noon sa kanya na hindi ito mata-pobre. Ang bait nito at napakasimple pero lumabas pa rin ang bisyo nito noong college, na akala niyang binago nito. Hindi siya naniniwala na napilitan lang itong panagutan ang babaeng nabuntis dahil sa iniingatang reputasyon ng pamilya nito. Damn that reputation! So selfish. Ibinalik ni Iza ang isip sa kasalukuyan at sa lalaking kaharap niya. Sa simula pa lamang ay hinatulan na niya ito. Hindi siya magpapalinlang sa yaman at maganda nitong mukha. Maraming naloloko sa pisikal na katangian. Kailangan niyang maging maingat. “Are you alright?” tanong sa kanya ng lalaki. Diretso ito kung tumitig, hindi malikot ang mga mata. Bumuntong-hininga siya. “What do you think? You kidnapped me, what do you expect?” mataray na tanong din niya rito. She didn't notice any expression on his handsome face. He's a serious type of guy. “Eat first, we will talk later,” sabi lang nito. “How could I know if you didn't put any fusion or drugs on my food?” sigurestang sabi niya. The guy remained calm and expressionless. Wala itong naging reaksiyon sa sinabi niya. Matiim na nakatitig lang ito sa kanya. “I’ll call someone to taste your food first,” sabi lang nito saka may pinindot sa tabi ng plato nito. “I want Chef Hilarios here in the dining room now,” sabi nito na tila may ibang kausap. May invisible intercom ata ito. Maya-maya lamang ay may pumasok na matangkad na lalaki’ng nakasuot ng puting chef jacket. Lumapit ito sa kanila at parang royal guard na tuwid ang tayo. “What can I do for you, sir?” tanong ng lalaki. Sa hitsura nito ay mukhang iba ang lahi nito. Parang American ito. “Take some of her foods and taste it,” utos ng lalaki sa chef. Tumalima naman ang pobreng chef. Kumuha naman ng plato ang chef at isa-isang binawasan ng tig-iisang kutsara sa lahat ng putaheng nakahain sa harapan niya. Tahimik nitong kinain ang mga iyon. Naghintay sila ng ilang minuto. Tumikim din ng juice ang chef para sigurado. Nakatitig lang si Iza sa lalaking nakaupo sa tapat niya. Seryosong nakatitig din ito sa kanya. Pinaghintay pa nito ng ilang minuto roon ang chef at wala namang nangyaring kakaiba rito. “Are you satisfied, my princess?” pagkuwan ay tanong ng lalaki sa kanya. Nang hindi naman nangisay ang chef ay tumango siya. Pinaalis na ng lalaki ang chef. Nakonsensiya tuloy siya. Paano na lang pala kung may lason ang mga pagkain? Mamamatay una ang inosenteng chef. Pero hindi dapat siya maawa. Siya ang biktima rito. Walang kasiguraduhan kung makakauwi pa siya na buhay at buo. “Now… eat,” bossy na utos sa kanya ng lalaki. Nagsalubong ang maninipis niyang kilay. “Would you please introduce yourself first?” inis na sabi niya rito. “I’m Argius Condrado,” tipid nitong pakilala. “Tell me about yourself, and why you gave fifty million for the auction just to have a date with me?” Hindi sumagot ang lalaki. “Eat first. Don’t rush me to explain. We have more time to talk,” sabi lang nito. Kumain na lamang siya. Masasarap ang pagkain pero hindi siya makapag-focus. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ma-disappoint ang lalaki hanggang sa magkusa itong ibalik siya sa Pilipinas agad-agad. Sumubo siya ng maraming pagkain pero hindi niya nilunok lahat. Nang halos mabulunan na siya ay nagkunwari siyang nagsusuka. Iniluwa niya lahat ng pagkaing naisubo niya. Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kanya ng lalaki. Tumayo siya. Ang naiwang pagkain sa bibig niya ay naisuka niya sa dibdib ng lalaki. “F*ck!” he cussed. Napaubo siya kunwari. Parang nausog na talagang nasusuka siya. Uminom siya ng red juice pero naibuga niya ito sa mukha ni Argius nang hindi niya nagustuhan ang lasa. Para kasing may gamot. “s**t! F*ck!” he cursed again. Nilayuan siya nito at may dinampot sa ibabaw ng mesa at pinindot. “Nanny Rossie, I need you here-now!” galit nang utos nito sa kung sinong kausap. Ilang sandali lang ay pumasok ang matandang babae na nag-assist sa kanya kanina. “O my God! What happened?” gilalas na tanong ng matanda. Mas nauna nitong nilapitan si Argius at parang bata na hinubad ang unang patong nitong damit at nilinis ng tissue ang damit nito’ng nasukahan niya. “Assist her, I’ll take a bath,” matigas ang tinig na sabi ni Arguis sa nanny nito saka ito umalis. Nilapitan naman siya ng matanda. Balisa ito. “Please, don't provoke him. Just follow what he had said to you,” nagmamakaawang sabi nito. Hindi niya maintindihan bakit kailangang tratuhin ng ganoon ang lalaki na parang hari. Nakikita niya ang takot sa mga mata ng matanda. Hindi niya gusto ang nangyayari. “I’m sorry; I'm not here to hail your boss, granny. He kidnapped me from the Philippines!” nanggagalaiting sabi niya. Lalo itong nataranta. “No, he didn't do that. Argius never treat a woman like trash. He just-” Hindi matuluy-tuloy ng matanda ang sasabihin nito. “What? Or maybe he just needs a slave,” hula niya. “No, not like that. I don't know how to say but I assure you, he’s not a bad guy.” Pinag-ikot niya ang mga mata. Masisiraan na talaga siya ng ulo. “How can I trust him, all of you? Arguis bid fifty million pesos just to date me. Is it normal?” usig niya rito. Umiling-iling ang matanda. Lalo tuloy siyang nawiwerdohan sa mga ito. “I wanna go home, please help me to escape.” “I'm sorry, I can't help you. Only Argius can decide for you,” sabi nito. Lalong nag-init ang ulo niya. “B*llshit!” Nagmura na siya. “Don't cuss, please.” Nataranta ang ale. Walang imik na naglakad siya palabas. Kaagad naman siyang sinundan ni Nanny Rossie. Lahat ng pintong nakikita niya ay naka-lock, lalo na ang main door. Lahat din ng bintana ay may grill. Wala siyang madaanan palabas ng mansiyon. Hindi siya mapakaling palakad-lakad sa malawak na lobby. “Please calm down, Miss. Just go to your room and take a rest,” sabi ni Nanny Rossie. Sinunod naman niya ito. Pagpasok niya sa kuwarto ay may mga nakatuping damit sa ibabaw ng kama. Pumili siya ng komportableng damit. Mayroong itim na nighties at halos lahat ay dress. Naligo siya dahil hindi na niya maintindihan ang kanyang amoy. Kinuskos niya maigi ng sabon ang kanyang katawan. Pagkatapos ay isinuot niya ang puting bathrobe. Paglabas niya ng banyo ay nagulantang siya nang mamataan niya si Arguis na prenteng nakaluklok sa gilid ng kama at naka-side view sa kanya. Nakayuko ito. Topless ito at tanging puting tuwalya ang nakabalot sa ibabang katawan nito. Kumabog ang dibdib niya habang tulalang nakatitig sa lalaki. “Are you okay?” he asked her in a husky voice. Pumitlag siya. Humakbang siya palapit sa kama kung saan niya ipinatong ang isusuot niyang damit. “I wanna go home,” sabi niya. Biglang tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. “Ako ang masusunod kung kailan ka uuwi,” sabi nito. Nagulat siya nang bigla itong nagsalita ng Tagalog. Apektado ang mood niya dahil doon. Pumihit siya paharap dito. “W-what do you want from me?” tanong niya. Hindi niya naawat ang kaniyang mga mata na suyurin ng tingin ang kabuuan nito. Pinagpapawisan siya nang malagkit. He was tall, six feet something, she guessed. Ang ganda ng pagkakahubog ng mga kalamnan nito sa katawan, na tila hinulma ng batikang manlililok. Makinis ang dibdib at puson nito na parehong hitik sa muscle. Nahahati sa anim ang abs nito na halos magkakasing laki. Pinagsikipan siya ng dibdib at nanuyot ang kanyang lalamunan. Her conservative mind froze. It was the first time she saw a naked stranger guy with that hot and gorgeous body. Kahit katawan ni George ay bihira niya nakita. She's trying to distract herself, but hell! This guy was trying to seduce her! Habang palapit ito sa kanya ay siya namang iwas niya. Parang nagpapatentero silang dalawa. Nakarating na siya sa kama. Napaupo siya at itinaas ang kanyang mga paa upang harangin ito. Tinakpan niya ng mga kamay ang kanyang mga mata. “Please, no…” samo niya habang hindi gumagalaw. Bumagsak sa sahig ang kanyang mga paa. Hindi siya nito dininig. Sapilitan nitong inalis ang mga kamay niya sa mukha pero todo pikit siya. Nag-panic siya nang mabilisang hubarin nito ang kanyang roba. Nagmulat siya ng mga mata at nakipag-agawan dito sa roba. Huli na, nakita na nito ang kahubaran niya. “Buwisit ka!” Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. Pilit niyang binabawi rito ang roba niya. Kung kailan ibinuhos niya ang kanyang lakas ay saka nito binitawan ang roba. Nahulog siya sa sahig at nahagip ng kamay niya ang laylayan ng tuwalya nito. “Ay patola!” bulalas niya nang makita ang nakalawit nitong alaga. Umuklo pa ito at binuhat siya. Dahil sa ginawa niya ay lalo siyang dumikit dito. They both naked. Natigilan siya nang maramdaman ang matigas na bagay na sumusundot sa puson niya. Inihiga siya nito sa kama. Tumili siya sa akalang sasampahan siya nito. Todo takip siya ng kamay sa mga mata kahit nakita na niya ang kahubaran nito. Ang laki ng alaga nito, siguradong hindi niya ito kakayanin. Para siyang sinapian, nagdedeliryo. Itinataboy niya ito. “No! Please no! Maawa ka! Virgin pa po ako!” natatarantang sigaw niya. Natigilan siya nang hindi naman niya maramdaman ang katawan ni Argius. Maya-maya ay tinakpan nito ng roba ang hubad niyang katawan. Nagmulat siya ng mga mata. Namataan niya ang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan. Tinakpan na ng tuwalya ang ibabang katawan nito. “I’m sorry if I scare you. Wala akong balak pagsamantalahan ka. I’m just trying to seduce you but I think you’re not interested in men,” may sarkasmong sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. Dumako ang paningin niya sa ibaba ng puson nito. May nakausli sa ibaba ng puson nito. Nako! Eh kumusta naman siya? Abot talampakan na ang haba ng hair niya. Imagine, a hot, gorgeous, and rich guy trying to seduce her? Eh ano naman sa kanya ngayon? Hindi hamak ang takot niya sa ibang hakbang nito. Pero kahit papano ay naibsan ang kaba niya. At least, he proves that he’s not a bad guy. Gusto lang talaga siya nitong maka-date. Pero bakit? Ano naman ang nagustuhan nito sa kanya? At ano’ng alam nito sa pagkatao niya at parang kilalang-kilala siya nito? “Sleep, princess,” sabi nito saka siya tinalikuran. Hinatid lang niya ito ng tingin habang palabas ito ng pinto. lumuwag ang kaniyang paghinga nang wala na ang lalaki. Pupungas-pungas na pinahid niya ang kaniyang luha. Umupo siya at sumandal sa headrest ng kama. Yakap ang kaniyang mga tuhod ay taimtim siyang nagdasal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD