Chapter 6

2144 Words
NAKATULOG si Iza na nakaupo. Nagising siya nang may kamay na yumuyugyog sa balikat niya. Namulatan niya si Nanny Rossie. “Dress up. You’re going home now,” sabi nito. Napabalikwas siya mula sa kama. Ang bilis niyang nagbihis. Pagkatapos ay mag-isa siyang nag-almusal. Hindi na niya nakita kahit anino ni Arguis. Excited na siyang umuwi kaya ang bilis niyang kumain. Nang lulan na siya ng private plane ay bigla siyang inatake ng hindi mawaring emosyon. Alam niya hindi iyon excitement. She felt something unusual sadness. She shook her head and closed her eyes. But hell! Why Argius sinking in her mind? Ibang flight attendant naman ang kasama nila, lalaki na at tisoy. Nag-serve ito ng red juice sa kanya. “Enjoy your drink, ma’am!” nakangiting sabi nito. Aalis na sana ito pero inawat niya. Tumayo ito nang tuwid sa harapan niya. “Do you know who Arguis Condrado is?” aniya. Tumabang ang ngiti ng lalaki. “I didn’t meet him yet. I’m just working here part-time for his private plane,” he said. “He owned this plane?” manghang gagad niya. “Yes, ma’am.” Napanganga siya. Ganoon pala talaga kayaman si Argius. “Okay, thanks,” sabi niya pagkuwan. Umalis naman ang lalaki. Hindi na nila kasama ang assistant ni Argius na si Antonio pero mayroong dalawang bodyguard na kasama, na pawang mga naka-suit at tila robot na hindi umaalis sa tapat ng pintuan sa unahan niya. Nang maubos ang kanyang inumin ay pumasok siya sa kuwarto. Parang nasa loob lang siya ng luxury hotel suite. Payapa ang lipad ng eroplano kaya hindi niya ramdam masyado ang pag-alog. Humiga siya sa kama na may pulos puting sapin. While staring at the all-white ceiling where the elegant chandelier hanging on, she suddenly thinks back to the scene between her and Arguis. She had realized that she’s over-reacting, yet, she still felt scared about the unexpected and weird date with Argius. Hindi pa rin siya makapaniwala na naglaan ito ng fifty million sa auction para makatulong sa charity, at siyempre, maka-date siya. Her boss knows about Argius. Of course, all guests from the auction invited by her boss were known in the business industry. Hindi naman siguro siya ipagkanulo niyon sa masasamang tao. Hindi ganoon mag-isip ang businessman, maliban kung may hidden agenda aside from business. Ginupo na ng antok si Iza, hanggang sa napapikit na siya.   “ARE you alright, señorito?” tanong ni Antonio kay Argius. Kalalabas lang niya sa kanyang kuwarto matapos ang ilang oras na pamamahinga. Sinundan siya ng kanyang personal assistant hanggang sa office niya. Umupo siya sa swivel chair. He's still disappointed. He didn't expect that the girl he chose for the last chance was braver and the most difficult to tame. Nauupos na ang panahon niya. Tuwid na nakatayo lang sa harapan niya si Antonio. Only Antonio and his Nanny Rossie know who he truly is. Since his father died, these two people never left him. Their loyalty was never fade. “Do I did wrong?” he asked Antonio. “I told you, señorito, your idea won't work,” Sabi ni Antonio. Antonio is a Filipino but he lives in Spain. He migrated there until he met his father in their company. “I need your help, Antonio. I won't find another girl. I'm tired and I like Izabelle since the first time I met her.” “How can I help, señorito?” “I want her to fall in love with me as soon as possible.” He still wants Iza even the woman refused him. Lumapit si Antonio sa bookshelves at may kinuhang libro. Pagbalik nito ay ibinigay nito sa kanya ang libro. Kumunot ang noo niya habang binabasa ang titulo ng libro. “How to win woman's heart and trust, a guide for how to court a woman.” Basa niya sa titulo ng libro. Matamang tumitig siya kay Antonio. “I bought that book last year but you ignored it. The content of the book was helpful for a guy like you. Sa pagpapaibig ng babae, hindi puwedeng madalian at idinadaan sa dahas. You should study her personality first, her likes and dislikes, especially her standard when it comes to a guy she likes,” paliwanag ni Antonio. Antonio never gets married, and Argius never heard that he has a girlfriend. Antonio is now 40-years-old but still single. He's not sure if Antonio could help him. Arguis was turning 28-year-old this coming June 30. He is still innocent about love, and whatever feelings related to the opposite s*x but he was sexually liberated. He was knowledgeable when it comes to s****l matters. Nagkaroon lang siya ng exposure sa labas noong biyente anyos na siya, noong namatay ang kaniyang ama. Pinasan niya ang responsibilidad sa lahat ng negosyong iniwan ng kanyang ama. Only Nanny Rossie knows him since he was a kid. She said, he's special, he's an angel. Pero alam niya’ng kabaliktaran iyon dahil kinakatakutan siya ng mga tao. Marami ang gustong pumatay sa kanya kaya simula pagkabata ay hindi siya pinapalabas ng bahay. Para mailayo siya sa kanyang ina at sa mga gustong pumatay sa kanya, itinago siya ng kanyang ama sa Pilipinas ng sampung taon. Pero hindi pa rin siya pinalalabas ng bahay. Kinuha lang siya nito ulit noong nakalilimutan na ng mga tao ang tungkol sa kanya. Sa loob lang siya ng bahay nag-aral. Ignorante pa siya sa mga tao. To avoid the curse of other people, his father decided to declare that he was already dead. Ipinakilala siya nito sa ibang tao na pamangkin nito. Sa Pilipinas lang siya nanatiling buhay. Only Nanny Rossie knows the truth. But about his mother, only he and his assistant know where she is, and he never saw her since the last time they met. Good thing, some paranormal experts gave him a piece of advice on how to avoid the curse, and how to cut it off. The guidelines that the expert gave to him were the only way to help him to live normally. Hindi lang niya maintindihan bakit sa lahat ng babaeng naging subject niya ay wala siyang napala. They all ended hating him, and some of them have been killed. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin na niya na magtatagumpay siya. Izabelle was his last choice, and he will do anything to win her heart. “I'm sorry, señorito, I'm not an expert about love-related topics. I can't give you exact advice, but I’ll do my best,” Antonio apologizes. “It's okay. I'll try to read and study this book,” aniya at sinimulang buklatin ang libro. Sa pagkakataong iyon ay sisiguraduhin niya na hindi na siya mabibigo. Izabelle is his last choice. Kakaiba rin ang dalaga sa lahat ng babaeng nakilala niya. Kakaiba sa lahat ang impact nito sa pagkatao niya. Hindi na siya maghahanap ng iba. Sigurado na siya rito.   MAY jet lag pa si Iza kaya hindi siya pumasok sa trabaho nang Martes. Absent na nga siya noong Lunes kaso hindi niya kayang magtrabaho. Nagtataka siya bakit hindi naman siya tinatawagan ni Marita. Dati ay male-late lang siya ay kaagad siya nitong tinatawagan. Nang magsawa sa kakatulog ay bumangon na siya at naglinis ng apartment na tinutuluyan niya. Naroon lang ito sa Pasig City, malapit sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Maganda ang studio type apartment na nakuha niya kumpara sa dati niyang inuupahan. Mas tahimik dito at mabait ang may-ari. Inaaliw niya ang kanyang sarili para hindi niya maisip ang bangungot na karanasan niya sa Italy. Pangalawang beses na iyong malagay siya sa ganoong sitwasyon, na para siyang napadpad sa ibang planeta. Malas nga ata siya sa bansang iyon. O baka naman magkakaugnay lang ang pangyayari. Hindi pa rin masagot ang tanong niya bakit kilala siya ni Arguis. Wala siyang maalala na nagkita na sila minsan, pero pamilyar sa kanya ang presensiya niyon maging bulto ng katawan. Kinabukasan ay pumasok na siya sa trabaho. Nagtataka siya sa reaksiyon ng mga kasama niya, lalo na si Marita. Kaagad siya nitong sinalubong. “Hey! Bakit pumasok ka na? Ang sabi ni CEO ay isang linggo kang naka-leave. Nag-request daw yaong ka-date mo’ng nag-bid ng fifty million na isang linggo ka niyang gustong makasama,” sabi nito. Natigagal siya, tulalang nakatitig kay Marita. “Oo nga, Iza. Ang suwerte mo!” kinikilig na gatong naman ni Karen. Tinampal pa siya nito sa kanang balikat. “Bakit narito ka na? Hindi ka ba nag-enjoy sa date mo?” pagkuwan ay usig nito. “Haba ng hair mo, girl! Sabi na nga bang maganda ka talaga,” sabad naman ni Garcelia. Nag-init ang ulo niya. Kung alam lang ng mga ito ang nangyari sa kanya. Isinusumpa niya na hinding-hindi na siya sasali sa buwisit na auction na iyon. Kung pipilitin pa siya ay magre-resign na talaga siya! Naiinis din siya sa CEO nila na kinonsinte pa si Argius. Malamang wala itong alam kung anong klaseng tao ang pinagkatiwalaan nito. Palibhasa pera lang ang mahalaga sa mga ito. “The annual action was a piece of s**t!” gigil na sabi niya. Natulala ang mga kasama niya. “Akala n'yo maganda ang ideyang ito?” Pumalatak na siya. Natarantang lumapit sa kanya si Marita. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “What happened?” balisang tanong nito. Mangiyak-ngiyak siya pero tinapangan niya ang kanyang anyo. “Ang lalaking nag-bid ng fifty million at dinala ako sa Rome, Italy. He’s weird and I felt scared of him!” pasigaw na sumbong niya. Naglalakihan ang mga mata ng mga kasama niya. Shocked lahat. Plano rin niyang kausapin ang CEO nila para malaman nito kung ano ang nangyari sa kanya. “We don't know, Iza,” ani ni Marita. “Siyempre dahil wala kayo sa sitwasyon ko. Puwede ba akong mag-set ng oras para makausap ang CEO?” aniya sa kalmadong tinig. Masama talaga ang loob niya dahil hindi man lang siya inabisohan na dadalhin pala siya sa ibang bansa ng ka-date niya. Hindi rin hamak ang takot niya roon. Kailangan niyang makausap ang CEO nila para malaman niya kung ano talaga ang pakay sa kanya ni Mr. Condrado. “May problema nga, eh,” sabi ni Karla. Parang sinakluban ng kadiliman ang mukha nito. “Magkakaroon ng turnover of stocks and ownership this week ang company,” si Garcilia. Kunot-noong tumitig siya kay Marita. Mas marami itong alam tungkol sa nangyayari sa kumpanya. Hinintay niya itong magpaliwanag. “Ganito kasi 'yon, Iza…” sabi nito, hinarap siya nang maayos. “Kahapon lang ay nag-announce si CEO na matagal na pala niyang gustong ibenta itong company since he decided to migrate to the US with his future wife. Actually, pagkatapos ng kasal nila ay pupunta na sila ng US. May business din doon si CEO. Kahapon nga ay nagkaroon ng meeting at sinabi niya na hindi na siya ang owner nitong Orchedia. Last month pa raw ito nabili ng buyer. Kaya asahan na magbabago rin ang management once nai-turn over na ang company sa new owner,” paliwanag ni Marita. Nanlumo si Iza. Wala siyang kamalay-malay na ganoon na pala ang nangyayari sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Malas nga talaga ata siya. Lahat ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ay palaging may ganoong isyu. Ang dalawang unang kumpanya na pinanggalingan niya ay parehong nagbago ang management at may-ari. Kaya siya umalis ay dahil hindi na niya gusto ang mga patakaran. Nakasasakal na. Baka ganoon din ang mangyari sa Orchedia. Nako po! Pabagsak siyang lumuklok sa silyang katapat ng working table niya. Nawalan tuloy siya ng ganang magtrabaho. Nahahalata rin niya’ng malungkot ang kanyang mga kasama. Para sa kanya, the best ang Orchedia sa lahat na napuntahan niyang kumpanya. Napakabait ng boss niya at hindi mahigpit ang mga patakaran. Ang sabi pa ni Marita, hindi raw purong pinoy ang nakabili ng Orchedia. Nako, baka intsik na! Magre-resign na ata siya pero naisip niya na hindi madaling maghanap ng trabaho ngayon lalo na't kailangan niyang makapag-ipon para matubos ang nakasanlang lupain nila. Malaking bagay rin iyon para masakahan ulit ng palay. Samantalanag hindi naman binigo ng CEO si Iza. Naibigay na nito ang tseke kay Marita, na nagkakahalaga ng twenty thousand bilang pabuya dahil nakakuha siya ng malaking bid sa auction. Imbis na matuwa ay nabuwisit siya lalo. Hindi mababayaran ng pera ang stress at takot na dinanas niya sa kamay ng taong nag-bid ng fifty million. Ayaw sana niyang tanggapin ang pera pero biglang bumaba ang pride niya. Naisip niya na makatutulong din iyon para sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Actually, she's not interested in money, especially if it's not from her own salary. Kaya hindi niya gagastusin ang pera na iyon para sa sarili niya. She can survive without those rewards.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD