Chapter 7

2072 Words
DAHIL on leave pa ang status ni Iza sa kumpanya ay umuwi muna siya sa Lipa. Mayroon pa siyang apat na araw na bakasyon. Bayad daw iyon kaya wala siyang dapat ipag-alala. Nai-abot niya sa kanyang mga kapatid ang perang binigay ng CEO. Tig-sampung libo ang mga kapatid niya. Tuwang-tuwa naman ang mga ito. Malaking tulong na rin iyon para mabawasan ang gastusin at hindi mabigatan ang papa niya. Naaawa na siya sa papa niya na nagkandakuba na sa pagtatrabaho bilang electrical engineer sa malaking electric cooperative sa lugar nila. Mag-isa silang itinaguyod ng kanilang ama simula noong namatay sa aksidente ang kanyang ina na isang journalist. Nahulog sa bangin ang kotseng sinasakyan ng mama niya kasama ang ibang reporter. Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Si Lori, 23-year-old at nag-proceed ng law course, imbes na graduate na ng college sa kursong Political Science, kaya additional gastos. Ang bunsong si Markin ay biyente anyos at nag-aaral ng BS Psychology at may balak mag-proceed sa medisina. Siya lang ang nagtapos sa four years course na BS Accountancy. Siyente-singko anyos na siya at maswerte siya dahil kaagad nakahanap ng trabahopagka-graduate niya. Iisang university lang ang pinapasukan ng mga kapatid niya. Ginagamit ni Markin ang lumang kotse ng lolo nila at sabay nitong pumasok si Lori. Ang papa naman nila ay may sariling sasakyan na nabili pa nito noong binata pa ito. Vintage na lahat ng sasakyan nila, alaga lang kaya maayos pa ang makina. Huwebes ng umaga ay maagang pumasok ang mga kapatid niya sa paaralan. Naiwan siyang mag-isa sa bahay. May project sa ibang lugar ang papa niya at isang linggo na ito roon. Sa araw raw na iyon ang uwi nito. Saktong nakapagluto siya ng tanghalian nang dumating ang papa niya lulan ng puting Nissan Sentra nito. Bitbit nito ang malaking traveling bag na madalas nitong ginagamit. Hindi niya ipinaalam na uuwi siya. Gusto talaga niya itong sorpresahin. Hinayaan niyang nakabukas ang main door saka siya nagtago sa kusina. Malamang magtataka ito bakit bukas ang pinto. “Mga bata nga naman, oh! Iniwan ba namang bukas ang pinto!” narinig niyang maktol ng papa niya. Tinantiya niya na nasa sala na ito saka siya lumabas. “Surprise!” sigaw niya saka patakbong lumapit sa kanyang ama. May dalawang buwan din silang hindi nagkita nito. Miss na miss na niya ito. Papa’s girl siya kaya hindi madaling malayo rito nang matagal kahit malaki na siya. Natulala ang papa niya. Nabitawan nito ang bitbit na bag. Hindi ito nakakibo nang bigla niya itong yakapin. “I missed you, Pa!” mangiyak-ngiyak na sabi niya. Ganoon siya palagi ka-emosyonal sa tuwing makauuwi siya sa bahay nila, daig pa niya ang nag-abroad. Nagtataka siya bakit malungkot ang mukha ng papa niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito. “Bakit, Pa?” malungkot na tanong niya. “Don't say, nawalan ka na naman ng trabaho, anak,” anito sa malumanay na tinig. Napalis ang lungkot niya. Akala niya may malaking problema na naman ito. “Hindi no. Binigyan lang ako ng boss ko ng one week leave pero nagamit ko na ang tatlong araw kaya four days na lang. Sa Sunday ako babalik ng Manila,” masiglang sabi niya. Ngumiti na ang kanyang ama. “Iyon naman pala, eh. Welcome home, anak!” pagkuwan ay sabi nito. Ito naman ang yumakap sa kanya. “Nagluto ako ng tanghalain. Tara sa kitchen,” pagkuwan ay yaya niya rito. “Wow! Na-miss ko ang luto mo, anak!” Kaagad umupo sa silya si Lito at nagsalin ng pagkain sa plato. Sinabayan na niya itong kumain. Hinintay talaga niya ito na dumating kahit humihilab na ang kanyang sikmura. Gustong-gusto niyang makipagkuwentuhan dito habang kumakain, ganado siya lalo. Parang pinipiga ang puso ni Iza habang pinagmamasdan ang kanyang ama na takam na takam sa kinakain. Ang laki kasi ng ipinayat nito. Nanlalalim ang mga mata nito. Noong huli silang nagkita ay mataba-taba pa ito. Ramdam niya ang hirap nito. Hindi birong magtayong ina at ama sa mga anak at mag-isang itaguyod ang pag-aaral. Napansin niya kahapon pagdating niya na magulo ang bahay. Parang walang regular na naglilinis. Si Lori naman kahit dalaga na ay hindi pa rin sanay sa gawaing bahay. Subsob ito sa pag-aaral at mula pa pagkabata ay tamad na itong magtrabaho sa bahay. Palibhasa nasanay sila noon na mayroong katulong, noong maalwan pa ang buhay nila. Pasan niya lahat ng trabaho sa bahay simula noong namatay ang kanilang ina. Tumutulong naman si Lori pero sadyang hindi sanay sa gawaing bahay. At saka, active ito sa school, achiever at sumasali sa mga school activities. Mas matalino ito sa kanya pagdating sa academic. Lalo na si Markin, kahit nasa bahay ay libro ang inaatupag. Parang walang nakatira sa bahay nila. Napuyat siya kakalinis pagdating niya. Wala na kasi silang kasambahay simula noong kinapos na sa budget ang papa niya. Ang mga itinanim niyang bulaklak sa bakuran ay nagkandamatay na, malamang sa tuwing uulan lang nakatitikim ng tubig. Kaya pagkagising niya nang umagang iyon ay sinirmonan niya ang kanyang mga kapatid. Nasanay kasi ang mga ito na may katulong at magigising na lang para kumain. Hindi pa ata nag-sink in sa utak ng mga ito na hindi na sila kasing yaman dati. Nasa middle class na lang ang buhay nila, tipong kung hindi kakayod ay mamamatay sa gutom. “Kumusta pala ang trabaho mo, anak?” mamaya ay usisa ng kanyang ama. Naalala niya bigla ang nangyari sa kanya noong annual auction party ng kompanya. Nakauwi naman siya na ligtas kaya hindi na siya nag-abalang ikuwento iyon sa papa niya baka lalo lang itong ma-stress. Tiwala naman siya na hindi na iyon mauulit. Mas close siya sa papa niya kaya hindi siya nahihiyang magkuwento rito tungkol sa pinagdadaanan niya sa buhay, pero iyon lang talagang nangyari kamakailan ang hindi pa niya kayang ikuwento rito. Baka bigla itong susugod sa Orchedia at bulabugin ang kanyang boss. “Okay naman po ang trabaho ko. Though, magbabago ang management this coming week, I think to carry ko naman. Mahirap nang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon,” tugon niya. “Hm, tama ka, anak. Ayaw mo kasing mag-apply sa bangko rito sa atin, eh. Mas gusto mo pa sa Maynila,” sabi nito, saka pinapak ang hita ng manok na kasama sa adobo. Nalungkot na naman siya. Ang totoo, kaya lang naman siya lumipat sa Maynila ay dahil kay George. Sa Pasig na kasi nakatira si George. Ito ang may gusto na doon na rin siya magtrabaho para madalas silang magkasama. Nasanay na siya sa Maynila kaya ayaw na niyang umalis kahit noong naghiwalay na sila ni George. Maraming pagkakataon na pilit siyang kausapin ni George pero hindi siya nagpadala sa kanyang emosyon. Hindi na siya naniwala rito at nagtiwala kahit pa sinabi nito’ng napilitan lang itong pakasalan ang babaeng nabuntis nito. Wala na siyang pakialam doon at pinilit niyang libangin ang sarili kahit may pagkakataon na nasasaktan pa rin siya. Pagkatapos ng tanghalian ay nilabhan naman ni Iza ang mga inuwing labahin ng papa niya. Kung hindi nga raw siya dumating ay tatawagan nito ang labandera na binabayaran lang nito. Bihira lang daw makaisip si Lori na ipaglaba ang papa nila dahil wala itong ibang ginawa kundi mag-aral. Target daw nitong mag-top one sa bar exam. Ambisyosa talaga ang kapatid niya’ng iyon pero kahit ganoon iyon ay todo suporta siya rito at proud na proud. Tiwala naman siya na kaya nitong panindigan ang ambisyon at nakikita naman niya ang pagsusumikap nito. Alas-dos na ng hapon nang maisampay ni Iza ang mga nilabhang damit sa harap ng bahay kung saan may sampayan. May washing machine naman sila na mayroong dryer kaya mabilis lang matuyo ang mga damit. Panay ang lingon niya sa labas. Umaga pa kasi niya napapansin ang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay. Tented ang salamin ng bintana kaya hindi makita sa loob. Nasa village sila at malalayo ang agwat ng mga bahay. Six hundred square meters ang kinatitirikan ng dalawang palapag nilang bahay. Sa tapat nila ay lote lang at walang bahay. Ang may-ari ng lupain ay nasa ibang bansa. May nagpapastol lang ng kambing sa lupaing iyon araw-araw na kaanak din ng may-ari. Sa tapat pa talaga ng bahay nila nakahinto ang kotse at halatang umaandar pa ito. Nang lumapit siya sa gate ay biglang umalis ang kotse. Nagdududa na talaga siya. Ilang beses na rin siyang nakaranas na parang may sumusunod sa kanya kahit nasa Manila siya. Simula noong hiwalay na sila ni George ay madalas na siyang nakararamdam ng kakaiba na talagang may nakamasid sa kanya saan man siya magpunta. May stalker ba siya? She's not a fan of fiction novels, which is sometimes, stalking has a romantic interpretation. For her, stalking is not normal, it's a scary thing. Kahit pa sabihing guwapo ang stalker eh kung may masama namang balak. Kaya ayaw niyang magbasa ng fiction romance book kasi karamihan mga imposible. Mas gusto niyang magbasa ng historical and true-to-life stories. Hindi rin siya mahilig manood ng romance movies or kahit na ano, maliban na lang kung talagang gusto niya ang kuwento. Madalas ay Korean drama ang pinapanood niya kasi ang gaganda ng plot ng stories. Kakaiba nga raw siya sabi ng kapatid niya’ng si Lori. Kaya niyang mabuhay na walang telebisyon basta may music at may trabaho siya. Si George nga lang ang madaling nakapag-adjust sa kanya. Pero marami ring binago si George sa pagkatao niya. At least kahit papano ay naging mulat ang isipan niya sa makamundong bagay. Pero kahit mulat na siya ay naroon pa rin ang pag-iingat niya. Gusto pa rin niyang maikasal na berhin. Sounds conservative but she doesn't have a plan to break her promises to herself. Well, dahil nga sa paninindigan niyang iyon ay nawala sa kanya ang lalaking minahal niya nang lubos. Hindi niya naibigay ang s****l needs ni George kaya siguro ang bilis nitong natukso sa ibang babae. But sometimes, she realized that living an old-fashioned lifestyle will be laid her to a dull future. PAGBALIK ni Iza sa trabaho ay bumungad kaagad sa kanya ang bagong rules and regulations ng kumpanya. Formal na palang nagbago ang management at wala na ang mabait na CEO. Wala pang nakakikilala sa bago nilang boss. Napangiti siya matapos mabasa ang bagong rules and regulation. Parang wala namang nabago pero may dumagdag. Akala niya ay maghahanap na naman siya ng bagong trabaho. Lunch break na ay subsob pa rin siya sa trabaho. Samantalang si Karla at Garcilia ay busy na sa kapapanood ng p*rnographic video sa katabi niyang table. Itong dalawang ito talagang ang hihilig palibhasa may mga asawa na. Kumukuha lang daw ng idea ang mga ito kung paano maging mahusay sa kama para raw lalong mag-init ang relayson ng mga ito sa asawa. Umismid siya. Minsan na siyang napilit ng mga itong manood ng malalaswang palabas pero hindi talaga siya makatagal. Okay lang 'yong simpleng bed scene hindi katulad ng p*rn na ang brutal ng iba. Nakasusura. Naabala silang lahat nang may lalaking pumasok at may dalang punpon ng iba-ibang kulay na rosas. Napatingin silang lahat sa kapapasok na lalaki. Isa ito sa internal security nila, si Kaloy. “Ma'am Iza, para po ito sa inyo,” sabi ni Kaloy saka lumapit sa kanya. Ang dalawang babaeng katabi niya ay nagyayakapan sa kilig. Kunot noong kinuha niya ang bulaklak. “Thanks,” aniya. Umalis naman kaagad si Kaloy. “OMG! May manliligaw ka na, Iza!” tili ni Karen. “Kanino galing?” mas excited pa sa kanya na tanong ni Garcilia. Nakikitingin din ang mga ito sa card na nakasabit sa bulaklak. “From: Prince” “Si Prince?” panabay na sambit nina Karla at Garcilia. Si Prince rin ang naisip niya, na isa sa maintenance engineer nila. Oo nga't minsan na siyang naihatid ni Prince sa apartment niya pero hindi naman nagpakita ng interes ang lalaki na gusto siya nitong ligawan o may gusto sa kanya. Pero mabait ito sa kanya at minsan ay nililibre siya ng meryenda sa canteen. Siguro nga, balak talaga nitong manligaw pero nahihiya lang. Guwapo si Prince at mabait. Hindi na masama. Pero hindi pa siya handang pumasok ulit sa relasyon gayong may bakas pa ang sugat sa puso niya dahil kay George. Siguro nga ay kailangan pa niya ng mahaba-habang pahinga. Okay lang may manligaw basta ba willing itong maghintay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD