SAKTONG alas-singko ng hapon lumabas ng opisina si Iza. Kailangan niyang mamalengke dahil wala na siyang stock na pagkain. Nag-aabang na siya ng jeep sa tapat ng main gate ng Orchedia. Panay ang tipa niya sa touch screen niyang cellphone. Five years na sa kanya ang cherry mobile phone niya na regalo pa sa kanya ng kanyang ama.
Na-ditract siya nang mapansin ang pamilyar na itim na kotse na nakaparada sa unahan ng waiting shed. Kamukha iyon ng kotse na nakita niya sa tapat ng bahay nila sa Lipa. Coincident lang ba? O baka talagang sinusundan siya.
“Iza!” boses ng lalaki na umagaw sa atensiyon niya.
Lumingon siya sa main gate. Namataan niya roon si Prince na kalalabas sakay ng motor siklo nito. Lumapit na ito sa kanya. “Pauwi ka na ba?” tanong nito. Huminto ito sa tapat niya.
“Oo pero maggo-grocery muna ako,” aniya.
“Samahan na kita. Marami ba ang bibilhin mo? May bibilhin din kasi ako sa grocery,” sabi nito.
Naalala niya ang bulaklak na pinadala nito sa kanya. Hindi pa siya makabuwelo para komprontahin ito tungkol sa bulaklak. “Okay lang bang makisabay ako?” naiilang na niyang tanong
“Oo naman.” Malapad itong ngiti.
Umangkas na siya sa motor siklo nito at kumapit sa mga balikat nito. “Thank you pala sa flowers, ah,” lakas-loob na sabi niya nang tumatakbo na ang sasakyan nila.
“Flower? Anong flower?” 'takang tanong nito.
Natigagal siya. Nagmaang-maangan pa ito. May iba pa bang Prince sa Orchedia? O baka style lang nito iyon na magkunwaring hindi ito ang nagpadala ng bulaklak dahil nahihiya.
“You sent me a bouquet of flowers,” paglilinaw niya. Biglang tumahimik si Prince. Hindi na niya ito pinilit umamin. “Okay lang naman 'yon sa akin pero gusto ko lang sabihin na sa ngayon ay ayaw ko munang makipagrelasyon. Pero puwede pa rin naman tayong maging magkaibigan muna. Alam mo na, kagagaling ko lang sa nasirang relasyon. As much as possible, gusto ko munang ipahinga ang puso ko,” sabi niya. Umaasa siya na hindi madismaya si Prince.
“Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak pilitin kang sagutin ako. Ang totoo, gusto ko lang naman talagang makipag-ibigan sa 'yo. Bunos na lang kung magugustuhan mo ako,” masiglang sabi nito.
Huminto sila sa parking lot ng puregold. Doon siya madalas naggo-grocery kasi malapit sa tinutuluyan niyang apartment. Pagbaba niya ay nakita na naman niya ang itim na kotse na kahihinto lang sa parking lot. Tinandaan niya ang logo na nakadikit sa harapang salamin. Ang logo ay ulo ng hayop na deer at may tatlong initial litter na C.O.D.
“Let's go inside,” yaya naman sa kanya ni Prince.
Sumunod naman siya kaagad dito sa loob ng grocery. Nakuha na ni Prince ang item na bibilhin nito. Isang kahon lang naman na harena ang kinuha nito. Nakabuntot lang ito sa kanya at ito pa ang nagtulak ng cart niya. Dalawang libo lang naman ang budget niya sa grocery. Good for one week niyang konsumo iyon.
Nasa meat section sila nang mapansin niya ang lalaking nakasuot ng itim na polo at itim na denim. May suot itong eyeglasses. Pasimpleng sinusulyapan niya ito. Kahit saan kasi sila magpunta ni Prince ay nakikita niya ito. May tulak din itong cart pero wala pang laman.
Kinakabahan siya. Nakita pa rin niya ang lalaki sa counter. Nakapila rin ito pero isang latang soda lang ang babayaran nito. Naunang nagbayad si Prince. Hinintay pa rin siya nito.
Si Prince ang nagbitbit ng dalawang supot niyang grocery. Nang makaangkas na siya sa motor siklo ay kandong na niya ang dalawang supot na pinamili niya. Lilinga-linga siya sa paligid. Napansin niya ang lalaking sunod nang sunod sa kanya na sumakay sa itim na kotse na ilang beses na rin niyang nakita. Ang kotse na may logo na ulo ng deer.
Nagtataka siya. Kung totoo mang sinusundan siya ng lalaking iyon, ano naman ang pakay nito sa kanya? Nag-e-stalk ba ito sa kanya? Para ano? Ang daming nakalilitong katanungan sa kanyang kukoti. Sumagi na naman sa isip niya si Argius, na pambihirang dinala siya sa ibang bansa para sa isang gabing date na naging katawa-tawa at nagdulot din ng munting kilabot sa kanya.
Posible kaya na may interes pa rin sa kanya si Argius? Ano naman ang kailangan sa kanya ng lalaking iyon? Kahit guwapo ang lalaki at mayaman, hindi niyon nakuha ang simpatiya niya, bagkus ay takot ang iniwan nito sa pagkatao niya.
Pagdating sa kanyang apartment ay kaagad namang umalis si Prince. Hinahagilap niya sa kanyang bag ang susi sa gate ng apartment na inuukupa niya nang mahagip ng paningin niya ang itim na kotse na sandaling huminto sa kabilang kalsada pero kaagad ding umalis. Confirmed, sinusundan nga siya nito!
Nang mabuksan ang gate ay nag-aapura siyang pumasok at nag-lock ng pinto. Natatakot na siya. Hindi puwedeng palaging ganoon na may nakasunod sa kanya. Hindi siya komportable. Sayang dahil hindi niya nakuha ang plate number ng kotse. Isusumbong sana niya ito sa pulis. Ayaw niyang mabuhay na may takot sa puso. Masayahin siyang tao at kahit may problema ay hindi siya nagpapahalata.
Papasok na siya sa kusina nang salubungin siya ng maalinsangan na hangin mula sa kusina. Natigilan siya. Saan naman papasok ang hangin eh sarado lahat ng bintana? Wala namang nakabukas na electric fan. Binuksan niya ang ilaw sa kusina. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may ibang tao sa loob ng bahay.
Nang mailapag sa lamesa ang pinamili ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto. Saktong pagbukas niya ng ilaw ay napansin niya ang kurtina ng bintana na hinahangin. Nakabukas ang bintana. Mabuti na lang may grills iyon. Lumapit siya sa bintana at isinara ang sliding glass window.
INGGIT na inggit si Iza kay Marita na nakahirit ng one million loan sa kumpanya. Hindi niya alam na puwede pala 'yon.
“Puwede rin ba kaming mag-loan?” tanong ni Karen.
Halos sabay silang lahat dumating sa office. Ibinalita kaagad ni Marita na approved na ang loan nito. Kailangan daw kasi nito ng pera para mabili na nito ang bahay na inuupahan sa pinsan nito.
“Ang alam ko ay mga regular employee lang ang puwedeng mag-loan, o kaya 'yung matagal nang empleyado,” tugon ni Marita sa tanong ni Karla.
“Any amount puwede?” tanong naman ni Garcilia. Nakapuwesto na sila sa kanya-kanya nilang working table.
“Puwede,” ani ni Marita. “Pero siyempre, may pi-fill up-an kang form at maghihintay ka ng approval. Akala ko nga hindi na puwede ngayon kasi iba na ang boss natin. Mukhang mas mabait ang bagong boss kaysa kay Mr. Cruz.”
“Sino na ba ang bagong boss?” sabad ni Karla. Curious din si Iza sa bago nilang boss.
“Hindi ko pa nga na-meet,” sagot ni Marita. Humalukipkip ito. “Pero ang alam ko, hindi siya naglalagi rito sa Pilipinas. Mga dating manager pa rin ang nagmo-monitor ng company at mayroon lang pinagkakatiwalaang tao si boss na tumatayong bagong CEO. Ah, natuklasan ko pala na ang bagong boss natin ay investor din ng higanteng kumpanya na La Parcia Corporation. Actually, sister company na kung tawagin. Super rich daw ng boss natin!” Kinilig pa ito.
“Wow!” Panabay na komento nina Karla at Garcilia.
Sikat ang La Parcia sa bansa. Ilang beses na siyang nag-apply rito pero denied ang resume niya. Mataas ata masyado ang standard ng La Parcia at balita niya ay kailangan may kapit sa opisyales para makapasok. Kilala ang La Parcia na maraming sangay ang business, ang La Parcia Pharmaceutical and Chemical Laboratory, cosmetics product manufacturing, La Parcia University, and Medical Center. Ganoon ito kalawak. Ang alam niya ay hindi purong pinoy ang may-ari nito at may sangay rin sa ibang bansa.
Napatitig siya kay Marita na nakaupo sa silyang nasa pinakaunang table. Nakangiti ito habang nakahalukipkip. Nakaharap sa kanila ang swivel chair nito. Namangha rin siya sa sinabi nito tungkol sa bago nilang boss pero hindi siya OA. Hindi naman katakataka na mayaman ang bagong boss nila kasi kaya nga nitong bilhin ang buong Orchedia. Hindi lang siguro bilyon ang halaga ng malaking kumpanya katulad ng Orchedia na well-established na. Barya na lang siguro ang isang milyon sa boss nila kaya okay lang ipautang sa empleyado. Wala ata iyong trust issue.
Napangisi siya sa naisip. Susubukan din niyang mag-loan. “Puwede kaya akong mag-loan, Ate?” tanong niya kay Marita.
Umismid si Marita. “I'm not sure kasi wala ka pang one year na nagtatrabaho rito pero try mo rin. Malay mo maawa si boss sa reason mo kaya ka uutang,” sabi nito.
Napamata siya. “Need ba talagang sabihin kung saan gagamitin ang pera?” untag niya.
“Siyempre naman. Kailangan mo iyong mai-indicate sa form na pi-fill-up-an mo.”
Tatangu-tango siya. “Puwedeng bang humingi ng form?” nakangising tanong niya.
“Ako rin,” sabi naman ni Karla. Si Garcilia ay walang imik. Mukhang hindi nito kailangan ng pera.
Binigyan naman sila ni Marita ng tig-isang loan form. Excited siyang binasa ang form. Habang sinusulatan ang form ay malapad ang kanyang ngiti. Idinadalangin niya na sana ay ma-approve ang loan niya. Pagkakataon na niya iyon para matubos ang lupa nila at makakapagsimula nang mataniman ng palay bago ang tag-ulan. Siya na ang magpi-finance.
Si Marita ang magsa-submit ng form nila sa executive secretary na mag-aabot sa CEO. Two days lang daw ang hinintay ni Marita bago na-approve ang loan nito pero baka next week pa nito makukuha ang tseke. Pakapalan na sila ng mukha, palibhasa sila ang nasa accounting department.
Lunch break ay tumambay si Iza sa canteen. Inaasahan na niya na magkikita sila roon ni Prince. Sinamahan niya ito sa lamesa. Nagtataka siya bakit malungkot ito, na parang ang bigat ng problema. Binuksan na niya ang naka-tupperware niyang baon. Adobong manok ang ulam niya na madaling araw niyang niluto.
“Bakit ang tamlay mo?” hindi natiis na tanong niya kay Prince.
Walang gana itong kumakain. “Lilipat na kasi ako sa La Parcia laboratory,” sagot nito sa malamig na tinig.
Nawiwindang na tumitig siya rito. “B-bakit? Okay naman ang record mo rito, ah. At bakit sa La Parcia pa? Bagong boss at adjustment mo na naman 'yan,” aniya.
Kumibit-balikat si Prince. “Hindi ko alam. Kanina lang may natanggap akong sulat mula sa CEO at sinabi nga na bukas ay doon na ako magdu-duty sa La Parcia. Kulang daw kasi ang maintenance staff doon. Bale sister company na ng Orchedia ang La Parcia kaya siguro okay lang maglipat-lipat ng empleyado,” malungkot na pahayag nito. “Nakakainis. Tatlong taon na akong nagtatrabaho rito. Bakit ngayon pa ako ililipat? Sana hindi na lang naibenta itong kumpanya.” Napupuno ito ng hinampo at pagkadismaya.
Ramdam niya ang malaking disappointment sa boses ni Prince. Nalulungkot din siya para rito. Kahit siguro siya ay ganoon din ang mararamdaman kung biglang ililipat sa ibang kumpanya. Sa lahat ng empleyado mula sa ibang department ay ito lang ang ka-close niya.
Wala na tuloy siyang taga-hatid pag-uwi. Nasa Quezon City pa naman ang laboratories ng La Parcia pero ang main office ay naroon lang sa Pasig. Okay sana kung sa main office lang si Prince, magkikita pa rin sila madalas. Malayu-layo rin ang mapupuntahan nito. Mapapalayo na si Prince sa bahay nito na naroon lang sa Pasig.
Wala sa loob na hinawakan niya ang kamay nito upang damayan ito. “Okay lang 'yan at least may trabaho ka pa rin. Puwede ka pa rin namang mamasyal dito,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti na ito. “Puwede pa rin ba kitang dalawin?” masiglang tanong nito.
“Oo naman! Anytime basta tapos na ang trabaho puwede kang dumalaw rito.”
Kumislot si Iza nang may matangkad na lalaki na lumapit sa kanila. Isa sa security nila ang lalaki. May bitbit itong pulang paper bag.
“Ma'am Iza, para po sa inyo,” sabi nito saka ibinigay sa kanya ang paper bag.
“Ha?” Nagulat pa siya. “Para sa akin?” Hindi makapaniwalang itinuro niya ang sarili.
“Opo, ma'am. May nagpapabigay sa 'yo,” nakangiting sagot ng guwardiya. Saka ito umalis.
Nagkatinginan sila ni Prince. Bakas din sa mukha nito ang pagtataka. Gayunpaman ay inilabas niya sa paper bag ang dalawang patong na transparent na food dispenser. Isa-isa niya iyong binuksan.
Namangha siya. Mga pagkain iyon na mamahalin. Nakaimprenta pa sa labas ng transparent box ang pangalan ng restaurant, na sikat sa bansa. Kompleto ang set ng pagkain, may appetizer, main course at dessert. She felt uneasy and confused.
Hindi niya ginalaw ang pagkain dahil napa-paranoid siya. Nakangiting pinagmamasdan siya ni Prince. Gusto niyang isipin na ito ang may pakana niyon since una na siya nitong nabigyan ng bulaklak. Pero parang imposible.
“Kainin mo na. Galing pa ata 'yan sa boyfriend mo,” udyok sa kanya ni Prince.
Boyfriend? She shook her head while grinning. “Wala akong boyfriend, no,” aniya.
“Baka secret admirer mo,” hula pa ni Prince.
Tumikwas ang isang kilay niya. “Baka ikaw kamo ang nagpabigay. Style mo, eh,” giit niya.
Natawa si Prince. “I told you, I don't have plans to court you. Gusto lang talaga kita maging kaibigan pero sabi ko rin, bunos na lang kung bibigyan mo ako ng chance na ligawan ka,” sabi naman nito.
Nagsalubong ang maninipis niyang kilay. “Kung hindi ikaw, sino?”
Kumibit-balikat si Prince. “Secret admirer mo nga,” giit nito.
Lalo siyang nainis. Ayaw niya ng ganoong pa-secret-secret, nakaloloka. “Hm! Hindi ko kakainin 'to. Baka mamaya may lason pa ito,” sabi niya.
Tumawa si Prince. “Ang harsh mo naman. Baka nahihiya lang 'yong tao na magpakilala sa 'yo. May mga ganoon talagang lalaki.”
“Sana kahit pangalan man lang ay lagyan niya. Ano 'to, nililigawan ako ng La Solidad Hotel and Restaurant?” sarkastikong sabi niya. Iyon kasi ang nakaimprenta sa labas ng box ng pagkain.
Tumawa na naman si Prince. “Kainin mo na. Kapag nalason ka, wala kang ibang dapat sisihin kundi ang may-ari ng restaurant. Ayaw naman siguro nilang masira ang pangalan nila dahil sa pagkain.”
Nahimasmasan siya dahil sa sinabi ni Prince. May point ito. Nasobrahan ata ang pagka-paranoid niya. Kinain niya ang masarap na putahe at binigyan pa niya si Prince pero dessert lang ang tinikman nito.
After lunch ay naging busy sa opisina si Iza. Tinatapos niya ang payroll para mai-submit sa executive secretary. Kailangan maipasa niya iyon bago mag-alas-tres ng hapon para mapirmahan. Sa Friday na kasi ang suweldo. Hindi puwedeng ma-delay ang pagpasa ng payroll dahil siguradong made-delay rin ang suweldo ng lahat na empleyado.
Kahit nagmamadali siya ay tiniyak niya na tama ang mga pinaggagawa niya. Saktong alas-tres nang matapos niya ang trabaho. Inilagay na niya ito sa folder at patakbong lumabas. Sumakay kaagad siya sa elevator. Dati ay diretso nilang sina-submit sa CEO ang payroll pero ngayon ay sa secretary na. Bago na rin ang executive secretary, isa nang lalaki. Isinama na rin niya ang loan form nila ni Karla dahil may ibang trabaho si Marita at hindi nai-submit ang form. Kapalan na ng mukha 'to.
Seryoso ang secretary at first time niya itong nakaharap. Pagpasok niya sa opisina nito ay kaagad siyang sinuyod ng tingin nito. Para siyang pinapaso, naiilang tuloy siyang lumapit dito. Hindi pa ito katandaan at may hitsura, in fairness.
“Good afternoon!” nakangiting bati niya rito, pagkuwan ay nagpakilala. “I'm Izabelle Vicente from the accounting department. Ipapasa ko lang ang payroll.”
Tumango lang ang lalaki. Iniabot na rin niya rito ang naka-folder na payroll at naisingit niya ang loan form. “Uhm, isa-submit ko na rin itong loan form ng empleyado,” aniya. Hindi niya sinabing kasama ang form niya. Nahihiya kasi siya. Pakiramdam niya'y kumapal ng tatlong layer ang kanyang mukha.
“Thanks,” sabi lang ng lalaki pagkatanggap ng papeles.
“Uh... I have to go back at work,” hiyang-hiya na paalam niya.
Paglabas niya ay para siyang nabunutan ng malaking bara sa dibdib. Panay ang buntong-hininga niya. Excited na siyang magmeryenda kaya patakbong tinungo niya ang elevator na pasara na sana. Isiniksik niya ang kanyang katawan sa makitid na pinto. At nang makapasok siya ay bigla siyang nawalan ng balanse. Dagli siyang kumapit sa braso ng nakatalikod na lalaki at may kausap sa cellphone.
Parang napaso at kaagad niyang binawi ang kamay. Alam niya’ng haharapin siya ng lalaki kaya mabilis siyang tumalikod at humarap sa pintuan. Saka lang niya napansin na walang ibang tao roon kundi silang dalawa ng lalaki. Lumapit pa siya sa pintuan para siya ang mauunang lalabas.
Naririnig niya ang nagsasalitang lalaki. Natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang timbre ng boses nito. A baritone voice, serious, and he spoke the Latin language, a very familiar voice. Maliit lang ang space sa loob ng elevator at kulob kaya nanunuot sa ilong niya ang manly perfume ng lalaki. It smells familiar, too.
Hindi niya maintindihan bakit siya kinakabahan, pero hindi kaba na dahil sa takot. Parang may something, na tila kilala niya ang lalaki. Nagdesisyon siyang lingunin ang lalaki pero biglang tumunog ang elevator at bumukas. Nasa second floor na sila at hanggang doon lang siya.
Kaagad siyang lumabas pero bago magsara ang pinto ng elevator ay humarap siya rito para makita niya ang lalaki. Her body froze and was shocked as she directly stared at the guy's blue eyes. He's not just familiar, she knows him.
Parang slow motion pa ang pagsara ng elevator kaya kitang-kita niya ang kabuoan ng lalaki na nakasuot ng Amerikana. Madilim ang aura nito pero ramdam niya ang nakapapasong titig nito sa kanya. Bigla siyang kinilabutan. Hinahabol ba siya ng kanyang bangungot? Bakit niya nakikita ang lalaking ito roon?
“A-Argius...?” anas niya kasabay sa tuluyang pagsara ng elevator.