NAKASAKAY na sa SUV si Iza pero laman pa rin ng isip niya si Argius. Hindi siya maka-get over sa kuwento nito at sa nakakikilabot na nangyari pagkatapos niyon. May something kay Argius na hindi niya maintindihan. O baka dahil sa karanasan nito sa baliw na tutor nito ay nagkaroon ito ng trauma. Curious pa rin siya kung paano naman namatay ang babae. At bakit sinabi ni Argius na hindi ito kriminal? Tama ba ang naisip niya na ito ang pumatay sa babae? “Ay!” tili niya nang biglang huminto ang sasakyan. Sumubsob siya sa headrest ng upuhang nasa tapat niya. “Ano'ng nangyari?” tanong niya sa dalawang lalaki sa harapan. Nagkandahaba ang leeg niya para silipin ang nasa unahan nila. May nakita siyang babae na nakatayo sa harap ng sasakyan. “O my God!” bulalas niya. “Ma'am!” tawag ni Victor pero