PAGDATING sa labas ng bahay ay nawala na ang lindol. Malakas-lakas din iyon dahil mahagya siyang nahilo. Nakapagtataka. Payapa sa labas at hindi naman nagkandalaglagan ang mga basyo ng mineral water na nakapatong lang sa ibabaw ng mesa, samantalang ang mga nakasabit na bagay sa loog ng kanyang kuwarto na mabibigat ay nahulog sa sahig. Pinaglalaruan ata siya ng kalikasan. Pero ramdam din ni Argius ang lindol. Ito pa nga ang humila sa kanya palabas ng bahay. At ano naman ang nangyari sa picture nila ni George? Bakit naging abo? Hallucination lang ba 'yon? Pilit niya iyong binalewala baka mabaliw siya sa kakaisip. Ang ending, sa veranda sila tumambay ni Argius at kumain ng dessert nilang krema de fruta. Magkatabi silang nakaupo sa bench. Kapag ganoong sobrang tahimik at seryoso si Argius ay