ISANG linggong hindi nagpakita si Argius kay Iza. Ang sabi ni Victor ay nasa Italy raw ang binata at inaasikaso ang business nito roon. Nagpakabala rin siya sa trabaho bilang bagong CEO ng Orchedia. Balak niyang umuwi muna sa probinsiya pero sunod-sunod ang meeting niya. Pinadala na lang niya sa papa niya ang pera na gagamitin sa farm. Ginamit na niya ang pera na binigay ni Argius pero hindi niya pinakialaman ang pera ng Orchedia. Ang napanalunan nito sa golf ay idinagdag niya sa meal allowance ng mga mangggawa sa production department. Nang umagang iyon ay nakipagpulong siya sa finance officers. Naroon sila sa conference room. Naroon din si Marita na inatasan niya na mag-manage ng allowance ng mga mabababang empleyado. “From now on, all production workers will have free meals. I already