Hindi mapigilang pagmasdan ni Perry si Marga, malaya niya iyong nagagawa dahil hindi naman siya nito kita nang maya-maya ay tumunog ang cell phone na dala pala niya sa bulsa ng kanyang sweat pants na suot.
Agad na binunot ang cell phone at awtomatikong napataas ang kilay nang makita ang kaibigang si Kiel ang natawag.
"Hey, bro, what took you so long to answer my call?" palatak na turan ng kaibigan sa kabilang linya.
"Kiel?" maang na hindi makapaniwala.
"The one and only," masiglang bulalas nito sa kabilang linya.
"Wait, number mo ito sa Pilipinas, is this means—" putol na wika nang sumabad ang excited niyang kaibigan.
"Yes, nandito na ako sa Pilipinas, I mean nakabalik na ako," bulalas nito.
"Hindi ba't—" sabad pa rito pero talagang masigla ang boses ng kaibigan sa kabila.
"Hindi ko kayang tumira sa Canada, bro, ang hirap!" gilalas nito.
"Wala bang babae?" untag rito.
Humalakhak ito sa kanyang sinabi.
"Marami kaya kang hindi ko talaga kaya doon, bukod sa masyadong malamig ang klima ay hindi ko kayang umiba ng linya," ani ng kaibigan. "Want to join me?" himok nito sa kanya.
Nag-alangan si Perry sa sinabi ng kaibigan lalo at tatakbo siya sa susunod na eleksyon.
Nahalata yata nitong nahirapan siyang sumagot sa tanong nito kaya siya na rin ang nagsalita.
"Oh, well, mukha tama ang nasagap kong balita na tatakbo kang mayor," maya-maya ay saad nito.
Noong college naman niya nakilala si Kiel, Randy doesn't like him pero gusto niya ito. Bukod kasi sa tila nabo-boost noon ang confidence niya kapag kasama ito ay masaya itong kasama. Mainam nga lamang at ibang kurso ang kinuha ni Randy noon kaya si Kiel ang laging kasama.
Kiel introduces to him to her sister na may travel agency sa mga lalaki at babaeng gustong mag-Japan for entertainment, in short sa salitang kalye ay Japayuki. Hindi labg 'yon ang negosyo ng kapatid ni Kiel dahil my ubderworld ang negosyo nito kung saan ay may binibenta silang mga babae online sa iba't ibang lahi. May hard show rin sila kung saan ay may nagsasayaw at nagse-s*x sa entablado. Mayayaman, politiko at foreigner ang mga kliyente nila. Confidencial ang bawat kliyente at hindi pwedeng mailabas kung sino sila kaya matapang pa rin ang mga ito na gumawa ng ganoon.
"Hey, Perry, bro, nandiyan ka pa ba?" untag ni Kiel nang hindi siya umiimik.
"Ha? Uhmmm, yes bro, nandito pa ako," ani Perry.
"Ano, join ka ba ulit, bubuhayin namin ni ate ang negosyo," anang ni Kiel.
"Wait, pati ang ate mo bumalik?" maang na usisa.
Nag-lie low kasi sila nang uminit ang mata ng awtoridad sa agency nito dahil sa maraming Pinay noon sa Japan ang namamaltrato ng mga Yakusa.
"Tulad ko ay hindi rin natagalan ni ate ang buhay sa Canada kaya mas nauna na itong bumalik at inaayos ang mga papeles ng itatayo niyang bar na siyang magiging front ng negosyo natin," himok ni Kiel sa kanya.
Hindi makatanggi si Perry ng hayagan sa kaibigan.
"Please bro, kailangan namin ng tulong mo. Kulang ang budget namin ni ate sa itatayo naming negosyo kaya tinatawagn kita ngayon," giit nj Kiel.
Isang malalim at mabigat na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.
"That means—" maang na hula nito.
"Bro, as of now pass na muna ko, gaya ng sabi mo ay tatakbo ako sa susunod na eleksyon but I can lend you money kung gusto mo," alok na lamang sa kaibigan.
Ito naman ang napabuntong-hininga.
"Ayaw mo talaga?" anito.
"Huwag na muna sa ngayon, bantay-sarado ni mama ang kilos ko," dahilan na lamang para hindi pa siya madawit sa illegal na negosyo ng magkapatid.
"Okay, bro, basta ang ipapahiram mo, a, aasahan ko," ani Kiel saka ito tuluyang nagpaalam dahil may gagawin pa raw ito.
"Senyorito?" tawag ni Tyreen kay Perry nang maibaba na nito ang cell phone. Nagulat pa ito sa kanyang pagdating.
"K-Kanina ka pa diyan?" bulalas na tanong ni Perry sa babae.
"Uhmmm, hindi naman po, pinapatawag kasi kayo ng inyong mama, nasa sala at nagkakakape sila ni senyor," ani Tyreen kay Perry.
"Ano na naman ang kailangan ni mama?" hindi maiwasang itanong sa babae.
"Ewan ko po, basta tawagin daw po kita," sagot kay Perry dahilan upang tingnan siya nito at magkasalubong ang kanilang paningin.
Bigla ay bumangis ang mukha nito dahilan upang mahintakutan si Tyreen.
"Next time, huwag mo akong i-po, mukha namang tatlong taon lang ang tanda ko sa 'yo, besides hindi pa naman ako ganoon katanda!" bulalas ni Perry kay Marga na mabilis na iniwan.
Deretso siya sa sala at naroroon nga ang kanyang mga magulang.
"Pinapatawag mo raw ako, mama, may nagawa na naman ba akong hindi maganda?" palatak ni Perry sa ina.
"W-Wala naman, gusto lang naming linawin ng papa mo hinggil sa pagtakbo mo sa susunod na halalan. Desidido ka na ba o napi-pressure ka lamang sa 'min ng papa mo?" usisa ng ina.
"Aaminin ko noong una na wala akong balak na tumakbo sa anumang posisyon sa politika pero naisip kong nag-iisa akong Caballero dahil puro babae naman ang mga pinsan ko kaya hindi dapat mawala sa pandinig ng mga tao ang apeliyidong Caballero para hindi nila makalimutan," saad ni Perry.
"Mabuti kung ganoon," sabad ni Patricio na ibinaba ang hawak na diyaryo na natuwa sa sinabi ng anak. "Masaya ako dahil sa wakas ay naisip mo rin 'yan," dagdag pa ng ama.
Napangiti si Perry dahil sa unang pagkakataon ay natuwa ang ama sa kanyang sinabi.
"Mainam naman at napag-isip-isip mo 'yan, anak, dapat lang na itayo mo ang pangalan natin," segunda ng ina na halatang hindi lubusang masaya, mukhang may iniisip pa itong iba.
"Oo, mama, tama ka, hindi dapat mabura ang pangalan natin lalo na sa bayan ng Sta. Caridad," giit pa ni Perry.
"Kaya nga dapat ay naghahanap ka na ng matinong babae na papakasalan at magbibigay sa 'yo ng anak na lalaki. Lalaki dapat para may magmana at magparami sa lahi nating Caballero. Kung hindi ka magkakaanak ng lalaki ay baka maputol ang ating lahi," sabad ng ama.
"Huwag kang mag-alala, papa dahil sa oras na maluklok ako bilang alkalde ng bayang ito ay pagtutuunan ko naman ng pansin ang paghahanap ng babaeng nararapat na maging ina ng mga anak," anang ni Perry na saktong nakita si Marga na noon ay paakyat sa hagdan na may dalang mga nalabhan.
"Masaya ako at finally ay nagugustuhan ko na ang mga sinasabi mo, anak," masayang saad ni Patricio habang kataka-taka namang tahimik si Franceska.
"Mama, may problema ba?" diga ni Perry nang mapansing tahimik lamang ang ina.
"Ha? W-Wala naman, masaya kami ng paoa mo dahil finally ay nagkakaroon ka na rin ng sense of responsibility," wika ng ina na pinilit na ngumiti sa kanya.
***
Malayo man si Tyreen ay dinig niya ang usapan ng mag-anak hinggil sa pagpapalawig nila ng kanilang
pangalan sa bayan ng Sta. Caridad. Wala namang problema roon si Tyreen dahil natural lang naman 'yon lalo na at kilala ang pangalang Caballero sa politika at sa larangan ng pagnenegosyo.
Ngunit hindi inaasahan ni Tyreen na mahahagip ng pandinig ang hinggil sa pagpapalawig rin ng kanilang lahi sa pamamagitan ni Perry dahil tanging ito lamang ang lalaking Caballero sa kanilang henerasyon.
Naisip tuloy ni Tyreen na sa dami ng babaeng kinalantara ng kanilanv senyorito ay wala man lang ba itong nabuntis?
'Hindi kaya, baog siya?' tanong sa isipan ni Tyreen.
Napailing na lamang saka minadali na ang pagpanhik sa hagdan upang malagay na sa closet sa silid ng Senyorito Perry nila ang mga gamit nito.
Pagpasok sa silid nito ay nakitang tila binagyo ang kama nito kaya dali-dali niyang binitiwan ang laundry basket at mabilis na pinagpag ang comforter nang bigla ay may kapiranggot na tela na tumalsik sa kung saan.
Nang usisain 'yon at napapikit na lamang si Tyreen nang mapagtantong panty 'yon.
'O-M-G!' tili sa isipan sa isiping kay Elsa ang panty na 'yon.
Mabilis na inayos ang comforter at maging ang unan ng amo.
Nandiri tuloy siya dahil tiyak na sa kamang 'yon galing si Elsa kaninang madaling-araw.
Tila kidlat na inilagay ni Tyreen ang nalabhang gamit ni Perry saka dali-daling palabas nang saktong papasok naman ang lalaki dahilan upang magbanggaan sila.
"Ano ba naman, tingnan mo naman ang dinaraanan mo?" inis na wika sa lalaki.
"Bakit parang high blood ka?" salag ni Perry habang nakakunot ang noo.
"High blood? Bakit naman ako maha-high blood, nakita lang naman ako ng ganito na nakakalat!" inis na turan sa lalaki sabay bato rito ang panty na nakita saka mabilis na lumabas ng silid nito.
Kunot-noo na pinulot ni Perry ang binatong tela ni Marga at huli na nang mapagtantong panty 'yon ni Elsa kagabi.
"Sh*t!" palatak sabay tapik sa kanyang noo. 'Nagseselos kaya siya kaya galit?' isinisiksik sa kanyang isipan.
Sa isiping 'yon ay napangiti si Perry saka lumitaw sa balintataw si Marga habang hubad sa kanyang harapan. Lalong naging pilyo ang ngiti sa labi ni Perry nang hindi namalayan na nasa harapan na pala ang kanyang mama.
"What is that smile for? Mukhang may iniisip ka na namang kalokohan?" sita ng ina.
Natahimik si Perry.
Habang naglalaro sa isipan ang magandang mukha ni Marga.