Chapter 16: Naghihinalang Senyorito

1753 Words
Sa komedor ay dama ni Tyreen ang naghihinalang tingin ng kanyang ama pero hindi niya 'yon pinansin. "Senyor, hindi niyo ba nagustuhan ang nito nitong si Cresencia?" untag ni Pacio kay Senyor Mauricio. Napangiti na lamang si Tyreen kay Manang Cresencia dahil alam niyang tinutulungan siya ng mag-asawa na pukawin ang pansin nito. "Hindi niyo po kasi ginagalaw ang pagkain ninyo?" dagdag pang saad ni Pacio. "Isa sa nagustuhan ko noon kay Cresencia ay dahil sa masarap itong magluto, medyo nalipasan na yata ako ng gutom sa kahihintay rito kay Tyreen," hirit namang tugon ng ama. "I'm sorry papa kung pinaghintay kita, nanuod pa kasi kami ng sine ng mga kaibigan ko," pagsisinungaling ni Tyreen. "Iyon na nga, e, mukhang mas inaalala mo pa ang mga kaibigan mo kaysa sa amin ng mga kapatid mo," dama ang pagtatampo sa tinig ng ama "Hindi naman sa ganoon, papa, we'll just catching up," giit ni Tyreen. "Kami ng mga kapatid mo, ayaw mo rin bang i-catch up ang mga panahong inilagi mo sa Amerika?" bulalas ng ama. Natahimik na lamang si Tyreen dahil ayaw niyang palawigin pa ang diskusyon. "Hindi naman sa ganoon, papa, I am talking to my friends kasi nagbabalak kaming magtayo ng negosyo," pagsisinungaling pa ni Tyreen. "Magtayo ng negosyo? Why don't you join us sa kompanya natin besides kapag nawala ako ay sa inyo mapupunta," saad ng ama. Tumayo si Tyreen at nagtungo sa likuran ng ama saka ito niyakap. "Papa, gusto kong magkaroon ng sarili kong—" putol na wika ni Tyreen nang barahin siya ng ama. "Iyan na nga ang sinasabi ko, masyado ka nang naging independent noong nagtungo ka sa Amerika, mukhang hindi mo na kami kailangan pa," himig pagtatampo ng ama. "Papa, hindi naman sa ganoon, in due time ay tutulong rin ako sa negosyo ng pamilya pero for the meantime, I want to build my own company," pilit na saad ni Tyreen sabay baling sa mag-asawa na noon ay tahimik na nakamasid sa kanilang mag-ama. Nasa ganoon silang akto nang makarinig sila nang sunod-sunod na busina sa labas kaya mabilis na lumabas si Pacio upang tingnan kung sino ang dumating. "Si Senyorito Tyrese," anito saka patakbong pinagbuksan ng gate. Hindi nagtagal ay pumasok na sa komedor ang kararating na membro ng pamilya. "Kuya, anong ginagawa mo rito?" palatak ni Tyreen dahil iniisip na niyang mas mahihirapan na siyang umalis dahil pati kapatid ay naroroon din. "Mukhang kailangan ko rin ng fresh air kaya nang malaman ko sa sekretarya ni papa na nagtungo siya rito ay dito na rin ako dumeretso mula sa trabaho," tugon ni Tyrese sa kanya. Mabilis namang tumayo si Cresencia upang kunan ito ng pinggan. " Maupp ka at kumain, senyorito," ani Cresencia. " Salamat, manang, kumusta?" bati ni Tyrese rito. " Heto, ayos lang senyorito, kayo, naku kailangan mo nang maghanap ng mapapangasawa, lalampas ka na sa kalendaryo next month," bulalas na biro ng kanilang katiwala. Natahimik si Tyrese, maging ang papa nito at si Tyreen. Napangiti na lamang ang matanda nang maramdaman ang tensyon sa tingin ng mga amo sa kanyang biro. "Don't worry manang, ihanda mo na ang mga tuhod mo dahil ikaw ang mag-aalaga sa mga anak ko," maya-maya ay basag ni Tyrese sa katahimikan nila. Natawa naman si Cresencia. "Sige ba, naku, magiliw ako sa bata kaya gusto ko 'yan," game na game namang tugon ni Manang Cresencia saka nila pinagsaluhan ang malamig na pero masarap pa ring hapunan. Nagpaiwan si Tyreen sa kusina dahil tutulungan niya si Manang Cresencia na magligpit ng kanilang pinagkainan. Nagtungo naman ang tatlong lalaki sa may pool area. Pinag-uusapan ang buong rancho, naulinigan pa ni Tyreen na nabanggit ang ama ang banda kung saan naroroon ang talon. "Ayaw pa ring magbigay ang mga Caballero, ilang beses na si Pacio na nagtungo sa hukom para sa pagdinig sa teritorial dispute na 'yan hinggil sa talon. Kung makukuha natin ang talon ay magiging magaan para sa mga magsasaka ng Rancho Ilumida dahil magagawa na nating gawan ng irrigasyon pero hanggang nasa korte pa rin ay hindi natin galawin ang tubig sa talon," paliwanag ni Manang Cresencia nang mapansin nitong naging interesado siya sa usapin ng mga lalaki. "Bakit po, ayaw po bang humarap ng mga Caballero?" untag ni Tyreen. "Hindi sa hindi sila naharap dahil pinaggigiitan naman nila ang hawak nilang titulo ng lupa, ganoon din naman ang hawak ng papa mo. Well, nahihirapan ang hukom na magdesisyon dahil ayaw naman nitong kalabanin ang kasapukuyang mayor ng bayan," saad pa ni Manang Cresencia. Napatango-tango na lamang si Tyreen dahil marami pa pala siyang dapat malaman sa ugat ng labanan sa pamilya Caballero at Escodero. "Maiba tayo, kumusta naman ang paglalagi mo sa kanila?" usisa ni Manang Cresencia tukoy sa mga Caballero. "Ayos naman manang, mukhang wala namang problema sa kanila maliban sa pagiging babaero ng nag-iisang anak nila," saad sa matanda. "Naku, hindi na 'yan mawawala, nabalitaan ko rin 'yan sa isa sa trabahador natin, masyado daw malikot sa babae ang batang Caballero," ani Manang Cresencia. Napailing na lamang si Tyreen sa narinig na sinabi ni Manang Cresencia hinggil kay Perry. "Naku, mag-iingat ka roon, matinig daw 'yon sa babae," dagdag pa nito na kinatigil ni Tyreen. Mabilis naman nilang nailigpit ang kanilang pinagkainan. Nasa may pool area pa rin ang tatlong lalaki at mukhang nainom ng beer. Lumapit si Tyreen sa mga ito at naulinigan ang kanilang pinag-uusapan. "Tuloy na tuloy na ba ang pagtakbo nitong si Tyrese bilang alkalde ng bayan ng Sta. Caridad?" usisa ni Mang Pacio. "Balita ko ay ilalaban nila ang batang Caballero?" usisa pa nito na kinatigil ni Tyreen sa paglapit sa mga ito. "Sakim talaga sa kapangyarihan ang pamilyang 'yan! Sabi nila ay walang tatakbo tapos nang malaman nilang tatakbo itong si Tyrese ay ilalaban naman nila ang isip-bata nilang anak!" galit na wika ng ama. 'Isip-bata?' maang pa sa isipan ni Tyreen sa tawag ng ama kay Perry. 'Sabagay, para naman kasi itong bata, walang sense of responsibility,' depensa ng isipan. "Tiyak na pagpipiyestahan na naman ng mga tao ang tungkol sa hidwaan ng inyong pamilya. Magiging mainit ang susunod na halalan sa bayan ng Sta. Caridad," dagdag pa ni Mang Pacio. "Hindi naman sana ako lalaban kung sinabi lang nila na ilalaban pala niya ang Francis Perry na 'yon," palatak ni Tyrese. "Huwag mong sasabihin 'yan, baka sabihin nilang duwag ang mga Escodero!" asik ng ama sa Kuya Tyrese niya. "Ahemmm!" may kalakasang tikhim ni Tyreen nang mapansing natahimik ang Kuya Tyrese niya sa sinabi ng ama. "Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo?" kunyari ay wika sabay tingin ng pasimple sa kapatid na noon ay nakayuko. "Ito kasing Kuya Tyrese mo, aba, gustong sabihin na kung nalaman niya lang na isang Caballero ang kalaban niya sa susunod na halalan ay aatras siya," anang ng ama. "Wala akong sinabing aatras ako, papa!" sabad ni Tyrese sa ama. "Parang ganoon na rin ang ibig mong sabihin, tandaan mo ito, Tyrese, ikaw pa naman ang panganay kong anak kaya dapat maging matatag ka lalo na kapag isang Caballero ang kaharap mo," payo pa ng ama sa kapatid. "Hindi ako pwedenh matalo ng Patricio na 'yon!" galit na wika pa ng ama. Natahimik na lamang si Tyreen sa narinig na sinabi ng ama at dama niya ang galit nito sa taong binanggit nito. "Alalahanin mo, sila ang dahilan kaya nawala ang mama ninyo kaya dapat lang na huwag niyo silang hayaang maghari-harian lalo na sa bayan ng Sta. Caridad!" mariing saad pa ng ama. "Papa, huwag ka masyadong high blood, tiyak na tatalunin ni kuya ang Perry na 'yon," awat ni Tyreen sa ama. "Huwag kang mag-aalala dahil tutulong ako sa kompanya niya," ani Tyreen na kahit papaano ay kinangiti ng ama. "Mainam kung ganoon, dapat ay pag-isipan mo na ring tulungan kami sa negosyo at natitiyak naming lalo pang lalago ang negosyo natin kapag sa kompanya natin ikaw ay nagtrabaho," anang ni Mauricio sa bunsong anak na si Tyreen. *** Samantala, hindi makatulog si Perry at laman ng isipan ay ang umalis na kasambahay na si Marga. Ewan ba niya, kahit anong pilit niyang iwasan ito dahil ayaw niyang mawalan ito ng trabaho pero kapag naiisip na kasintahan ito ni Tyrese Escodero ang lalaking mahigpit na katunggali sa susunod na halalan. "Sh*t," mura sa kawalan sabay bangon sa malawak at malambot niyang kama. Bigla kasing sumingit sa isipan na baka masaya ang dalawa na magkasama ngayon sa ospital kung saan ang kapatid kuno ng babae ay naospital. 'Naospital nga ba o dahilan lamang para makasama ang kasintahan?' may pagdududa pa sa kanyang isipan. Dahil hindi makatulog ay tumayo na lamang si Perry at nagtungo sa kusina upang kumuha ng kanyang maiinom nang paglabas sa pasilyo patungo sa hagdan nang may naulinigan siyang tinig. Napakunot-noo siya dahil gabi na 'yon at tiyak na tulog na ang lahat ng nasa bahay nila. Nang sundan ang tinig na naririnig ay nasa terasa ito kanugnog ng pasilyong dinaraanan. Agad na nagtungo upang tingnan kung kanino galing ang boses na naririnig hanggang sa luminaw ang boses at nakilalang tinig 'yon ng kanyang mama. "Hindi ganoon kadali ang pinagagawa mo? Hindi pwedeng makahalata si Patricio?" saad ng ina. "Alalahanin mo, anak ko pa rin ang pinag-uusapan natin rito," bulalas pa ng tinig ng ina. Napakunot-noo si Perry at hindi malaman kung sino ang kausap nv ina at bakit ganoon ang sinabi nito. Maya-maya ay tila nakaramdam ito kaya mabilis na nagtagos si Perry sa kurtinang tumatabing sa malapad na salamin ng aliding door palabas sa terasa. "Sino ang kausap ni mama?" usal sa sarili. " Sige na, ibaba ko na ito at baka magising si Patricio at maghinala pa," anang ng ina paalam sa kausap nito sa kanyang cell phone. Dali-daling umalis si Perry bago pa siya makita ng kanyang ina. Iba ang kabang bumalot sa kanyang kaibuturan. 'Nagtataksil ba si mama kay papa?' tanong na umukilkil sa kanyang isipan sa kanyang mga napagtanto sa naging takbonng usapan ng ina at katawag nito sa cell phone. Lalong hindi mapakali si Perry sa narinig buhat sa ina. Imbes na magtungo sa kusina ay sa mini-bar siya nagpunta at kumuha ng kanyang maiinom. Habang sumisimsim ng imported na alak ay nanumbalik sa isipan ang maamo at magandang mukha ni Marga. "Tunay nga bang wala kang alam hinggil sa pamilya namin?" tanong sa kawalan. "Sino?" tinig na gumulat sa kanyang likuran. Halos mapatalon ai Perry sa hindi inaasahang may sasagot sa tanong sa isipan na nanulas pala sa kanyang labi dahilan upang marinig nito ang kanyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD