Everyone was excited for the prom. Next week na iyon. Ang mga third year and fourth year girl students ay wala ng ibang bukambibig kung hindi ang tungkol sa prom. What are they gonna wear. Who will do their hair and make up and all. Wala pa akong susuotin. Excited si Mommy at panay ang tanong kung kailan ako magsusukat ng damit pero I just shrugged my shoulder. Wala akong planong um-attend kaso bahala na pagdating ng prom mismo. Inayos ko ang pagkasukbit ng aking bagpack. Ang paper bag sa ilalim ng aking desk ay binitbit ko na din. "Almira, ilang buwan na lang ga-graduate na tayo, hindi ka pa din sumasama sa lakad ng barkada." Nalaman ko lately na nag-iinom na sila. Hindi naman ako na-turn off sa kanila dahil hindi pa naman papunta sa patapon ang mga buhay nila. Matataas pa din ang

