Ilang buwan ko ng kinakalimutan ang kung ano mang nararamdaman ko sa kaniya, pero sa isang iglap, heto ang abnormal kong t***k ng puso na nagsasabing apektado pa din ako sa kaniya. I ignored him. Kahit nang mag-lunch kami ay hindi ko siya kinakausap pero pakiramdam ko gumagawa siya ng paraan para mapansin ko siya. O akala ko lang iyon? Binilhan na naman niya ako ng milkshake. I frowned. "Bakit? Hindi gusto ng girlfriend mo ng strawberry flavor?" Inunahan ko na siya. Baka ipamukha na naman niya sa akin. "You're welcome," sarkastikong sabi niya bago sinimulang kumain ng binili niyang pagkain. Sinipsip ko ang straw pero kaunti lang ang ininom ko. Last night, I've made up my mind. Dadalo ako sa prom kaya kailangan kong mag-diet para hindi ako mahirapan sa pagsusukat sa Sunday. Wala

