Naalimpungatan ko pagkagising ko kanina. Akala ko panaginip lang ang lahat, pero nang makita ko ang bracelet na bigay ni Fourth sa akin kagabi, it reminded me that everything that happened last night was real. Ngumiti ako at natulala pa ng ilang segundo bago ako bumaba ng aking kama. Ten am ang start ng classes today dahil nga naman puyat kami kagabi. It's already eight in the morning. Naligo na ako at nagbihis. Kumuha lang ako ng sandwich sa kitchen para may nguyain ako habang nasa byahe. I am starving. Hindi ako nakakain ng maayos kagabi dahil nang oras ng kainan, wala pa ako sa mood. Nangingiti ako at naiiling. Gising na si mommy. Gusto niyang magkuwento ako pero sinabi ko na mamaya na dahil baka ma-late ako. Tiningnan niya ang bracelet na suot ko. Napataas siya ng kilay. Ngumit

