FIVE MONTHS PASSED Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang tatlong piraso ng pregnancy test. Kasalukuyan ako ngayong nakaupo dito sa toilet bowl. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. "Baby..." Muli na namang kumatok si Silver sa labas, at alam kong tulad ko'y kinakabahan din siya. Isang linggo na kasi akong delayed sa menstruation, at kahapon ng umaga lang ako nakaramdam ng kakaiba sa sarili ko hanggang ngayon. Madali akong mapagod, parang sumasama ang sikmura ko sa mga amoy, at may kakaibang paninikip sa dibdib na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko agad inisip na buntis ako. Ayokong umasa. Pero naalala kong bigla na one-week na akong delayed sa menstruation, gayong normal naman ang monthly period ko. "Isn't it done yet?" Silver called out from outside. "You're so quiet in there