ONE MONTH LATER Aegia Haven Bawat segundo ay parang taon. Lahat ng alaala nang pakikibaka ko simula noong bata ako, simula sa paghihirap ko—sa matinding sakit at sama ng loob na naranasan ko mula sa kinalakihan kong pamilya, sa pagtakas ko, sa pagtapak sa siyudad na 'di alam kung ano'ng pwedeng kaharapin. Hanggang sa mapunta ako sa mag-asawang itinuring akong parang tunay na anak, kahit hindi naman nila ako kadugo. They protected me with everything they had. Hindi ko akalaing sa dami nang naranasan ko sa buhay, ngayon ko na-realize kung gaano ako katapang na babae ... dahil nalampasan ko ang lahat ng 'yon. Ilang taon kong tinakasan ang tunay na ako, pero ngayon ay nagbabalik at buong-buo. Mas matatag. Mas buo ang loob. Mas may paninindigan. At higit sa lahat—mas handang lumaban hindi