TWO YEARS LATER "Ah," napadaing akong bigla nang kagatin ni Jr. ang n****e ko habang dumidede. "Anak, nanggigigil ka na naman. Magsusugat na naman ang n****e ni Mommy." Tinangka ko siyang awatin, pero mas sinipsip pa niya ng husto ang n****e ko kasabay nang paghawak niya ng mahigpit sa damit ko. Para siyang gutom na gutom. We're here at the patio in the backyard. Hapon na at dito kami madalas tumatambay, sa harapan ng pool. One-year old na siya nitong nakaraang linggo lang, pero may kasunod na kaagad. Yes, I'm three months pregnant again, which is why I can’t work anymore. Nagpahinga ako simula noong kabuwanan ko na kay Jr. Hindi pa ako nakakabalik dahil ako mismo ang nag-aalaga sa anak namin. Hindi naman ako nahirapang ilabas ng normal noon si Jr., kaya naman okay lang din sa aki