Aegia Haven KINABUKASAN ay dumating si Attorney Rhysdave Luther, na ipinadala sa akin ni Kaye. Isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng mga Delavega—at gaya nila, isa rin sa mga pinakamayayaman sa bansa. Sa murang edad pa lamang ay kilala na siya sa mundo ng batas bilang isang henyo: matalino, kalmado, at may diskarte hindi lang sa loob ng korte kundi pati sa likod ng mga negosasyon sa boardroom. Hindi rin maitatanggi ang karisma niya—matangkad, elegante, at may mga matang tila nakakabasa ng sikreto. Kapag siya ang pumasok sa silid, hindi mo maikakailang siya ang tipo ng lalaking hindi kailangang magsalita para maramdaman ang bigat ng presensya niya. Nakilala ko siya dahil sa mahigit limang taon kong pagtatrabaho bilang undercover agent. Isa siya sa mga key players sa ilang operasyon ng