THIRD PERSON POV "Gremory!" sigaw ni Silver nang makita nitong itinatakbo na ni Leviticus Gremory ang nobya niyang wala ng malay palabas ng abandonadong warehouse. Pilit niya itong hinabol habang mahigpit na hawak ang balikat na nagdurugo, pero alerto pa rin sa paligid. Habang ang isa naman niyang kamay ay may tangan pa ring baril. Nangingibabaw pa rin ang mga putok sa buong paligid mula sa natitira pang kalaban at team nila. At nang maabutan niya sina Leviticus at nobya niya ay agad niya ang mga itong hinarang. "Where the hell are you taking my girlfriend?!" Nagdilim naman ang anyo ni Leviticus. "Can't you see she's unconscious?! She needs a hospital—now!" mariin nitong sagot, na labis na rin ang pag-aalala. Sasagot pa lamang sana si Silver nang bigla na lamang may magpaputok sa kan