Silver Lincoln "Ms. Alleigh is now in stable condition, but she’ll need to stay in the hospital for further observation. May mga pasa at bali siya sa bandang balakang at likod. There was also significant trauma to her abdomen..." paliwanag ni Doctor Lagrama, na siyang sumuri at gumamot kay Aegia. Naririto kami sa labas ng silid, at katatapos lang ding magamot ng mga nurse ang sugat ko. "... and I’m very sorry, but we were unable to save the baby," dagdag pa niya, na siyang nagpabigat muli sa dibdib ko. Parang sinisibat ang puso ko ngayon. Iniisip ko na lang si Aegia para kahit papaano ay kumalma ang nararamdaman ko, na nakaligtas siya sa nangyaring 'to. "Alam kong mabigat ito," Dr. Lagrama said. "Pero kailangan namin ang buong kooperasyon ninyo sa pag-aalaga sa kanya. She's at risk