Silver
"Sigurado ba kayo? Hindi niyo talaga siya nakikilala?" paniniguro ko sa aleng mataba na kaharap ko ngayon at nakasalubong ko lang dito sa kalsada. I showed her the drawing more clearly.
Three lines formed on her forehead as she stared at it. "Pasensiya ka na, Iho. Wala pa akong nakikitang ganyang hitsura ng babae sa lugar na 'to. Eh, puro magaganda ang mga nakatira dito, kabilang ako. Walang ganyang mukha."
Napatanga akong bigla sa sinabi niya.
"Makeup niya lang 'yan, Manang. Hindi 'yan ang talagang hitsura niya," I insisted.
"Eh, bakit hindi 'yong totoong hitsura niya ang ipakita mo sa akin? 'Yong walang makeup. Paano ko makikilala 'yan?"
"Hindi ko pa nakikita 'yong mukha niya na walang makeup."
"Eh, mahihirapan talaga tayo niyan. Magtanong ka na lang sa iba. Sino ba ang na-drawing niyan? Napakapangit naman." Agad na rin niya akong nilampasan.
Ako nama'y napanganga na lamang habang nakatitig sa kanya. Tuloy-tuloy na siyang naglakad palayo.
What the hell.
Napatingin ako kay Aegia na patuloy din sa pagharang sa mga taong nakakasalubong niya at ipinapakita ang kopya ng larawan ng babaeng ito. Pero lahat sila ay umiiling.
Aegia looked back at me and shook his head, too.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.
Muli na siyang lumapit sa akin. "Nagmumukha lang tayong tanga dito. Ilang oras na tayong naghahanap, hapon na. Wala namang nakakakilala sa kanya," he said.
Hindi ako nakasagot. Nakakaramdam na ako ng inis.
"Hanapin mo na lang sa internet ang mukha niya. Baka doon, meron." He handed me the drawing with a bit of frustration. “That bar’s gonna open soon anyway." Isinenyas niya ang bar sa 'di kalayuan. "Just wait for her there. I’m leaving—Hescikaye called and asked me to come over to their house.”
"Okay." Tinanggap ko na rin ang kopya ng larawan.
Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Kapag na-miss ka niya, magpapakita din 'yon. Di ba, malakas ang kamandag mo? Malay mo, tinamaan din siya sa 'yo." Ngumisi siya bago tumalikod at naglakad pabalik sa paradahan ng motorsiklo namin.
Natatawa na lang ako, na napapailing sa sarili ko. Nababaliw na yata ako.
I folded the drawings and slipped them into my pocket. I checked the time—it was already four in the afternoon. Just a few more hours and the bar would open again.
Pero naalala kong bigla ang sinabi kagabi ng misteryosang babaeng 'yon sa akin.
"Hindi na rin naman tayo magkikita pa bukas. Gusto ko lang sumaya ngayong gabing 'to, at alam kong ganun ka rin. Kaya umpisahan mo na, para makarami tayo."
Argh! Damn it!
Paano nga kung 'di na siya magpakita pa?
Paano kung hindi niya na-miss 'yong ginawa namin? Sigurado naman akong napaligaya ko siya kagabi, sa lakas ng ungol niya.
Napabuntong-hininga na lang akong muli ng malalim. Naglakad na rin ako pabalik sa motorsiklo ko.
Mas mabuting umuwi muna para maligo dahil nanlalagkit na ako. Kailangan ay mabangong-mabango ako kapag nagkita kaming muli mamaya.
Pagdating ko sa motorsiklo ko ay nagmamadaling umalis si Aegia. Binusinahan na lamang niya ako at kaagad na pinaandar ng mabilis ang motorsiklo niya.
Napahabol na lamang ako ng tingin sa kanya, bago napatingin muli sa bar na nasa tapat ko.
I noticed a CCTV camera mounted outside. My eyes scanned the other nearby businesses and streetlights. There were a few more cameras around, but not every spot was covered.
Pero siguro ay makakatulong na rin 'yan. Malalaman ko kung saan sumakay ang babae.
Napangiti na lamang ako.
I opened the under-seat compartment of my motorcycle and removed the small Raspberry Pi, which was connected to a portable battery pack. Kasama nito ang compact antenna na pang-boost ng Wi-Fi signal.
Next, I pulled out my smartphone, which had advanced hacking apps installed, like Kali NetHunter.
"Time to work." Inumpisahan ko nang i-setup ang mga device dito sa gilid. “I’ll find you, baby. You can’t escape from your daddy.”
Mabilis kong pinagana ang Raspberry Pi bilang isang rogue access point gamit ang Wi-Fi Pineapple software para ma-intercept ang CCTV network ng mga establishments sa paligid.
With the help of my smartphone, I breached the security of the bar’s Wi-Fi router.
After a few seconds, I gained access to the live CCTV feeds. Napangiti akong muli.
Napatitig ako sa screen habang ini-scan ang mga footage. Ibinalik ko ito sa oras kagabi kung kailan siya pumasok ng bar. But I couldn’t remember the exact time, so it would be a bit difficult to pinpoint the exact moment she arrived.
Kinailangan kong gamitin ang motion detection feature mula sa system. Ini-set ko ang timestamp mula alas otso ng gabi hanggang pasado hatinggabi, saka pinaspasan ang pag-scan sa mga frames na may movement sa labas ng bar.
I checked each person who entered—drunks, couples, a few groups of friends—but still, she wasn’t there.
Until… my finger suddenly stopped on the screen.
There she was.
Wearing a red sexy dress. Carrying nothing. Pasimple siyang tumingin sa paligid bago pumasok sa loob ng bar.
Agad kong ni-rewind ng ilang segundo pa. Pinanood kong muli ang sequence, this time more carefully. I followed the camera feed to the other side of the street. She was walking.
I frowned.
Rewind. Play again.
Dumating siya galing sa isang madilim na eskinita, mga ilang metro lang ang layo sa bar. Mahirap makita sa una dahil halos walang ilaw sa lugar na 'yon, pero sa isang anggulo ng CCTV mula sa karatig na establishment, naispatan ko ang anino niya—lumitaw siya mula sa dilim, saka naglakad ng diretso papunta sa bar.
I paused the footage and glanced toward that spot. From where I was standing, I could see the alley.
Could she be living there?
I looked back at my phone. “Let’s fast forward.”
I started swiping through the screen rapidly, advancing the CCTV footage. I had no idea what exact time she left the VIP room, so I carefully observed every movement in the feed from inside the bar.
Several people had already come out, but not her.
Until… my finger suddenly stopped.
VIP Room 3—bumukas ang pinto at lumabas na nga siya. Hirap na hirap pa siya sa paglalakad na parang may iniindang masakit sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Shit. Sinasabi ko na nga ba, mahihirapan siya. Pero bakit kasi umalis kaagad siya? Ni hindi man lang siya nagpahinga muna.
I watched her as she made her way down the stairs. Nakipagsiksikan siya sa mga nagsasayawan. May isang lalaki ang biglang dumakot ng dibdib niya.
“What the—?!” I blurted out, shocked.
Pero ikinagulat ko rin ang sumunod na ginawa ng babae. Mabilis niyang pinilipit ang braso ng lalaki, na parang napakadali lang sa kanya. Effortless.
Itinulak niya ang lalaki hanggang sa masubsob ito sa sahig. Agad din siyang tumalikod at may pagmamadaling lumabas ng bar.
Nakita ko sa ibang feeds ang mabilis niyang paglakad sa gilid ng kalsada kahit iika-ika siya. Tinahak niyang muli ang daan patungo sa eskinita, hanggang sa pumasok siya doong muli.
Damn it. That means she does live there!
Napatayo akong bigla habang nakatitig sa lugar na 'yon sa 'di kalayuan. Then I glanced down at my phone again and kept watch on the alley for a few more seconds.
A man came out, but the woman was nowhere to be seen.
Agad ko nang ibinalik ang mga gamit ko sa loob ng under seat compartment ng motorsiklo ko. Isinara ko rin itong muli bago tinungo ang kinaroroonan ng eskinita.
Pumasok ako sa loob nito, pero mahabang pader ang bumungad sa akin na may paliko. Walang kabahayan dito sa loob.
Agad kong sinunson ang daan. May mangilan-ngilan akong nakakasalubong na mga lalaki at babae. I couldn’t help but glance at the women’s faces—maybe one of them was that mysterious woman.
Napapangiti naman sila, na parang kinikilig. Naghampasan pa sila ng kasama niya.
I kept walking until I saw the end of the alley. Nakita kong may kalsada na doon.
Damn it. Mukhang tagusan lang ito. Shortcut na daanan.
Di nagtagal ay nakarating ako sa dulo hanggang sa makalabas ako. Bumungad sa akin ang isang medyo tahimik na kalye. May mga gusali pa rin pero hindi gaanong matao. May ilang tricycle na nakaparada sa gilid, at may mga maliliit na tindahan.
Wala na akong makitang CCTV dito. Damn it!
Hinugot kong muli ang larawan mula sa bulsa ko at sinubukang magtanong muli sa mga tao, pati na rin sa mga tricycle driver.
"Wala kaming nakikitang ganyan dito," sagot ng isa sa kanila.
"Walang ganyan, boss. May atraso ba siya sa inyo?" tanong ng isa pa.
"Umm... meron. Malaki kaya kailangan ko siyang makita," sagot ko naman.
"Na-scam ka siguro niyan, boss," turan ng isa pa sa kanila.
"Parang ganun na nga," sagot kong muli. "Aah, pwede bang tawagan niyo ako sa numero ko kapag nakita niyo siya? Magbibigay na lang ako ng pabuya."
"Sige, boss. Tatawag na lang kami sa 'yo kapag nakita kaagad namin siya."
"Okay. Dito ko kasi siya nakitang pumasok kagabi, eh." Agad kong inilabas ang wallet ko mula sa bulsa ko at kinuha ang isang calling card na may dummy contact.
None of the information on that card was real. Lahat ng detalye sa card—mula sa pangalan hanggang sa company ay fabricated. But the contact number? Disposable. Isa lang 'yang prepaid SIM na naka-plug sa isang burner phone ko ngayon. Puwede kong sunugin 'yon—literally o figuratively kapag tapos na ang gamit nito.
This is what we call a dummy contact—a kind of shield or protection when you need to hand out information to people you don’t fully trust. Para kung sakaling may sumubaybay, sumilip, o magsaliksik, hindi agad nila mahahalata kung sino ka talaga. Lalo na sa mga tulad naming undercover agent.
"Baka bago lang siya dito, boss," one of the drivers said. "Maraming apartment dyan at mga condo. Pero kung iisa-isahin mo 'yan, mauubos ang isang araw mo, hindi mo pa siya nakikita."
“Exactly. Tawagan niyo na lang ako dito, mga boss." I handed them the calling card.
Kanya-kanya naman silang labas ng mga cellphone nila at kinuha ang numero doon.
Nagpaalam na rin ako sa kanila at umalis. Iniwanan ko ng isang sulyap ang lugar bago muling pumasok sa eskinita.
Napailing na lamang ako habang naglalakad.
I think I’m losing my mind. Yesterday, Honey made my life miserable. Now, it’s even worse... thanks to another woman.
Such a wonderful life...
******
MINABUTI ko na munang umuwi sa condo unit ko sa Pasig.
Nagpahinga lang ako sandali, pero ang utak ko ay nilalamon ng misteryosang babaeng 'yon. Gusto ko nang i-umpog ang ulo ko sa pader dahil sa labis na frustration.
I couldn’t stand waiting any longer. Parang gusto ko na itong hilahin.
I decided to chill in the bathtub and clean up properly.
Muli ko na namang naalala ang mga nakita kong kilos niya sa loob ng bar. Kung paano niya pinilipit ang braso ng lalaking dumaklot bigla sa dibdib niya. I swear, I’ll kill that f*****g bastard the moment I see him. No one has the right to do that to my woman!
Base sa nakita ko, walang pag-aalinlangan ang naging kilos ng babaeng 'yon. She wasn’t just any woman; she was tough, fearless. It made me even more curious about who she really was.
She wasn’t ordinary. Hindi siya 'yong tipikal na babaeng matatakot o matitigilan kapag may nangyaring masama sa kanya. She was different.
I had to find out more about her.
Gabi na nang matapos akong maligo. Naghanap ako ng pinakamagandang outfit ko sa closet. Kailangang poging-pogi ako ngayong gabing 'to.
Napili ko ang isang itim na turtleneck shirt na snug ang fit sa katawan. Tinernuhan ko ito ng dark grey tailored coat at slim-fit na black slacks. Clean, elegant, but still carrying a hint of mystery.
Isinuot ko ang leather boots na matagal ko nang hindi ginagamit—medyo may bigat pero komportable kapag kailangan ng habulan. A quick spray of my favorite cologne—subtle yet lingering.
Napangisi ako nang makita ko ang hitsura ko sa salamin.
"Poging agent, undercover sa puso ng isang misteryosang babae... Or maybe trouble. Depends on what secrets she’s hiding."
Lumabas na ako ng unit ko at nagtungo sa basement nitong gusali.
Pinili kong gamitin ngayon ang kotse ko. Gusto ko siyang isakay dito kapag nagkataon.
Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. I started driving toward Mandaluyong, where the bar was. It wasn’t far from the church where Honey and Geoff got married, and close to their house, but I knew they weren’t there.
Dinampot ko ang phone ko at tinawagan si Aegia habang nagmamaneho.
Agad din naman itong sumagot, “What now? Found your missing buffalo yet?”
“I’m going to the bar," sagot ko naman. "Come with me if you want—I’ll introduce you to her.”
"Bakit? Nakita mo na ba siya?"
“Not yet. But… I have a strong feeling she’s coming. I know she misses me too, and she can’t forget what happened between us last night.”
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Baka masaktan ka na naman, bro! Paano kung hindi siya pumunta?"
"Magpapakamatay na lang ako."
"What the f**k?"
"I'm dead serious." Agad ko na ring pinutol ang tawag at hinagis ang phone sa tabi ko.
Huminga ako ng malalim. Ewan ko ba kung bakit nag-uumpisa na namang bumigat ang dibdib ko.
I have to see that woman tonight. I f*****g need her.
THIRD PERSON POV
Nanggigil bigla sa inis si Aegia habang nakatitig sa phone niya.
"Magpapakamatay? Ulol!" Ibinato niya ang phone niya sa kama. "Dadaanin mo na naman ako sa paawa mo."
Huminga siya ng malalim. Makikita ang labis na pagkairita at pagkayamot sa mukha niya. Ilang beses siyang kumamot sa ulo.
Tinungo niya ang closet niya at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang ilang pirasong naggagandahan at nagseseksihang mga bestida.
"Argh!"
Napapadyak siya sa labis na inis, at muling isinara ang closet.
"Tangina mo, Silver! Binabaliw mo 'ko." Halos sabunutan niya ang sarili niya. "Kailan ba kita natiis? Tangina."
Dinampot niya ang tuwalya niya na nasa kama at may pagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.