CHAPTER 05: The Sketch of Her

1864 Words
Silver "Akala ko ba, wasak 'yang puso mo?" tanong ni Aegia. "May paiyak-iyak ka pa kahapon na akala mo'y katapusan na ng mundo. Tapos sasabihin mo ngayong tinamaan 'yang puso mo no'ng nakatalik mong babae sa bar? Tinamaan ka ng lintek. Libog lang 'yan, brod." "Tss. So, what would you like me to do, then? Kill myself? Crawl on the f*****g streets in despair because of my stupidity and cowardice?" I hung my helmet on the handlebars of my motorcycle. We were now outside the bar I had visited the night before. Pero dahil maaga pa, tanghali pa lang, sarado pa ito ngayon. Mamayang gabi pa 'yan magbubukas. Gusto ko lang muna tumambay dito sa pagbabakasakaling maligaw ang babaeng 'yon. “Ah, so you’re looking for that girl just to entertain yourself.” I turned to Aegia, annoyed by what he said. Nahubad na rin niya ang helmet niya. "Wala akong ganyang iniisip, okay? ... Honestly, I don’t even know. Hindi ko lang siya maalis-alis sa isip ko, lalo na 'yong nangyari sa amin kagabi. Kapag nakita mo rin siya, siguradong kikinang din 'yang mga mata mo sa ganda niya. But sorry, bro—she’s mine now. Hands off." Bigla na lamang siyang tumawa. "Maganda ba talaga? Baka naman lasing ka lang, dude. Ano bang hitsura niya?" "She’s freaking hot. Fair skin, smooth all over… wala nga lang boobs." "What the f**k?" He stared at me, jaw dropped. "But I’m totally fine with that. I actually find it cute. I’m not into big boobs anyway—I prefer just the right size, something that fits perfectly in my hands." Ibinuka-sara ko ang mga palad ko ng sabay habang naglalaro sa isip ko ang dibdib ng babaeng nakatalik ko kagabi. I could still remember how soft she felt. “But you know what’s the wildest part?” I said, turning to Aegia. "Ano na naman?" Nagpalinga-linga din siya sa paligid. “She was a virgin, bro. She gave it to me, even though we didn’t even know each other. I don’t even know her name. She didn’t ask for mine either.” Bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Kailangan mo pa ba talagang ikwento sa akin 'yan? Na virgin pa siya?" "Kailan ba ako nagsikreto sa 'yo? I’ve never hidden anything from you.” "Pati sa mga babae mo?" "Oy, wala akong babae. Matagal na akong hindi nakakatikim ng babae. Kagabi ko lang ulit sinubukan." "Nanibago ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo... Nagugutom ako." Iniwan niya ako at naglakad patungo sa kabilang kalye kung saan may coffee shop. Agad din naman akong sumunod sa kanya. "No, man. There’s really something about her. I don’t know what it is—but my heart beats differently when I think of her. 'Yon bang para bang ... para bang matagal ko na siyang kilala." "f**k!" Bigla na lamang siyang natisod at kamuntik pang madapa. "Damn it!" Pinagtatadyakan niya 'yong pantay na kalsada kung saan siya natisod. Hindi ko napigilang tumawa. "Ayusin mo kasi 'yang lakad mo, dude. Iika-ika ka. Para kang bagong tuli. Wait, did you catch that thief in your neighbourhood? I bet you beat the hell out of him.” “No. He got away,” sagot niya bago nagpatuloy sa paglalakad. I was slightly shocked. "The hell? Kailan pa may taong nakawala sa 'yo?" "Nakawala nga! Mabilis tumakbo." Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng coffee shop habang nakasunod naman ako sa kanya. Nag-order muna siya sa counter ng makakain, ganun din ako. Dahil lunchtime na, pinili ko nang mag-rice. We grabbed a table by the glass wall. A few people were around, busy eating and chatting. Aegia and I started eating, but I couldn’t stop looking at the bar across the street, which was in full view from where we were. "You know what? Parang ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yon," ani ko kay Aegia. “I never really recognized her face properly. Her makeup was so damn thick. 'Yong kilay niya halata namang ginuhit lang, ang kapal-kapal, hindi pa pantay." Bigla na lamang siyang tumawa habang kumakain. Napansin kong pork menudo na naman ang ulam niya, habang sa akin ay puro gulay—pinakbet mixed vegetables with bagoong. Agad akong sumandok ng gulay sa plato ko at nilagyan ang plato niya. "Maggulay ka. Puro ka na naman karne. Kaya walang sustansiya 'yang katawan mo." "Akala mo lang 'yon," sagot naman niya, pero hindi naman ibinalik ang gulay at kinain niya rin. Sanay na rin siya sa akin, at ganun din ako sa kanya. Kahit pa sa pagkain namin. "Ni wala ka ngang masel," I said to him. Ngumiwi naman siya. “I don’t need muscles. I’m still strong enough to throw punches.” "Tch. Hindi mo nga nahabol 'yong magnanakaw sa inyo kagabi." “That was just a coincidence.” Natawa na lang ako at napailing. Nagpatuloy kami sa pagkain. Muli akong lumingon sa bar sa tapat. “Maybe that woman just got lost at that bar last night. Baka pumupunta rin siya sa ibang bar. Naalala ko pa, napakakapal din ng lipstick niya. Nagkalat pa nga sa mukha ko at leeg ko noong maghalikan kami." "Tsk. Sarilinin mo na lang 'yan," sagot naman ni Aegia, na ikinatawa ko. "Inggit ka na naman, brod. Tsk. Mas marami ka pa ngang babae kaysa sa akin." Agad siyang ngumisi. "Babae ang lumalapit sa akin. Hindi ko na kailangan pang hanapin." “Tss. That girl will come back to me. I can feel it. She’ll come looking for me, too.” “Keep dreaming.” "Ano'ng keep dreaming? Natikman niya ang sarap ko, ang katawan ko kaya alam kong babalik siya—" Bigla na lamang siyang nasamid at naubo. May pagmamadali niyang dinampot ang baso niyang puno ng tubig at sunod-sunod na nilagok. Halos maubos niya ang laman niyon. Napailing na lamang ako at natawa, bago ipinagpatuloy ang pagkain. “I don’t know how … but it’s like she healed something inside me. It happened so fast—less than an hour,” ani kong muli. “You’re losing your mind, Lincoln,” he said, continuing to eat. Muli akong natawa. "Baliw na kung baliw. I’m gonna find her... Ang sabi niya, niloko din daw siya ng lalaking hindi naman yata niya boyfriend, napakabaho pa." Muli siyang tumawa habang ngumunguya. Kamuntik na naman siyang masamid. Hindi ko rin napigilang tumawa. "Kung nandoon ka lang, iisipin mong baliw ang babaeng 'yon. Sigaw nang sigaw. Humahagulgol pa siya. Akala ko nga noong una, sabog siya, eh. Dapat kasi hindi ka kaagad umalis kagabi para nakita mo rin siya." “Just be thankful I left early. She might’ve fallen in love with me instead.” "Tss... Bilib na bilib ka na naman sa sarili mo." “I already know that, dude. That’s exactly what would’ve happened if I stayed longer.” "Tch." Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. ****** PAGKATAPOS naming kumain ay naglakad-lakad pa kami sa kahabaan ng kalye. Sa lugar kasing ito ay nakahilera ang mga bar na iba-iba rin ang may-ari. Pero lahat sila ay sarado pa. I started asking around—some of the passersby we came across, and even the street sweepers. But none of them recognised the woman I was describing. "Para tayong naghahanap ng nawawalang kalabaw nito," Aegia said from behind me. "Ni wala ka ngang larawan niya para sana ay naipakita natin sa kanila. Ni hindi mo alam ang pangalan." Huminto ako sa paglalakad at bumuntong-hininga ng malalim. Pinagpapawisan na ako ng malagkit dahil sa init ng araw. "Nakipag-s*x ka sa babaeng hindi mo kilala. Gumamit ka man lang ba ng condom?" tanong ni Aegia. "Paano kung may STD 'yon? Eh, 'di nahawaan ka pa ngayon." "Sira-ulo ka ba? Virgin nga siya no'ng makuha ko. There’s no way she had an STD.” “And you're sure about that? You were drunk, man.” “How would you even know I was drunk? You weren’t there. You left before anything happened.” Hindi naman siya kaagad nakasagot. “Wait, don’t tell me you came back? Or were you spying on me last night, hiding somewhere?” Hindi ko napigilang pagmasdan siya nang may pagdududa. “Idiot. Why would I f*****g spy on you? Ano ako, yayo mo? Wala kang tigil sa kakainom kagabi kaya malamang, nalasing ka." "Lasing man ako o hindi, alam ko ang nangyari. May dugo pa nga niya 'yong kumot at kobre-kama." Hindi naman siya nakasagot. Umiwas siya ng tingin at nilampasan ako. Nangunot naman ang noo ko sa ikinilos niya. "Bumili ka ng papel at ballpen. I-sketch mo ang mukha niya para mapadali ang paghahanap mo!" aniya nang hindi ako nililingon. Bigla naman akong nabuhayan sa sinabi niya. "What the heck?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Kanina pa tayo nagpapagod dito!" Agad ko siyang hinabol. "Nabobobo ka na naman kasi dahil sa babae! Nahihirapan na namang gumana 'yang utak mo!" "Tsk." Hindi na ako sumagot pa. I immediately went inside the 7-Eleven and bought some paper and a pencil. I sat down at a chair and table inside and began sketching the woman’s face. Tandang-tanda ko pa naman ang mukha niya, kahit nga katawan niya ay tandang-tanda ko pa rin. Kung pwede nga lang iguhit ko din 'yon. Pero 'wag na. Sa akin na lang 'yon. Ako lang ang pwedeng makakita no'n. Si Aegia ay palakad-lakad sa likuran ko habang kumakain ng ice cream. I focused on sketching, and within twenty minutes, I finished the detailed portrait of the woman from the previous night. I looked at it closely. “Goddammit... This is definitely her. This is exactly how she looked last night. Ae, check this out. I’m done... Now we can find her!” Agad akong tumayo at nilapitan si Aegia na abala na sa pagbabasa ng magazine. Ipinatong ko sa magazine ang larawan ng babae. Bigla naman niyang naibuga ang candy sa bibig niya at nahulog ito sa mata ng larawan. “What the hell?” I was stunned, staring at him. Siya naman ay bigla na lamang bumunghalit ng tawa. Muli niyang dinampot ang candy at isinubong muli sa bibig niya. “Is this her?” he asked, staring at the drawing. "Eh, nasaan ang maganda dito? Kamukha ni Betty La Fea 'to, eh. Ang kapal ng kilay at labi." “That’s just her f*****g makeup!” I said, annoyed. A few people inside the 7-Eleven were staring now, but I didn’t care. “But I’m sure hindi talaga ganyan ang mukha niya," I told Aegia. Hininaan ko na ang boses ko. “When I kissed her, I could feel that her lips were thin and soft. If they were thick, I would’ve noticed.” "Paano mo mararamdaman kung lasing ka?" “Damn it. I still remember everything clearly.” Bumuntong-hininga siya ng malalim. “Alright then, let’s ask around again to see if anyone recognises her.” Napakamot na lang ako sa ulo. Inagaw kong muli sa kanya ang sketch at nagmadaling lumabas ng 7-eleven. Naririnig ko naman ang pagtawa niya sa likod ko. Damn it! Mababaliw yata ako kapag hindi ko nahanap ang babaeng 'to. Kailangan niyang magpakita ulit sa 'kin. Gusto kong malaman kung sino ba siya talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD