CHAPTER 04: The Girl from Last Night

1797 Words
Silver "Ang source ng impormasyon natin ay isang CI—Confidential Informant," ani Glecy sa harapan namin. Kami nama'y tahimik nang nakatutok sa kanya at nakikinig. "Isa siyang kapwa preso na dati ring kasangga ng mga Villaroel bago pa sila makulong. Ayon sa kanya, hindi lang basta nakakapasok ang droga sa kulungan—mismong sa loob na ito nangyayari ang mga transaction. At ang pinaniniwalaang nasa likod nito ay sina Kennedy at Hannafaye Villaroel... Ayon sa ating source, hindi lang sa New Bilibid Prison nangyayari ang malawakang droga—pati na rin sa Philippine Women’s Correctional Institution, kung saan pinaghihinalaang si Hannafaye Villaroel naman ang may control." "Ayst, grabe na 'tong mag-amang 'to. Consistent ang pagiging demonyo," said Empress. "What’s worse is that no one seems to be stopping them," Glecy added. "Ayon sa CI, para bang nakakalampas lang lahat sa Warden." "O baka naman kasabwat din ang Warden kaya sobrang luwag ng galawan," sabat ko. "Why would they be afraid if they’re protected from the top?" "That’s exactly what we need to find out," she replied. "Our CI is now secured. At kung totoo ang sunod niyang ibubunyag, hindi lang drug trade sa loob ng kulungan ang mabubuwag natin—we might just expose the entire corrupt system that’s been allowing it to happen." "What’s our next move?" Andrei asked. "First, we need to gather more solid evidence from inside the prison—maaaring mag-deploy tayo ng mga undercover agents o magpadala ng mga trusted contacts sa loob," paliwanag ni Glecy. "Second, we’ll look into the possible connection between the Warden and the Villaroels so we can expose them." "I’m going in," biglang sabat ni Aegia na ikinalingon kong bigla sa kanya. My heart started pounding fast. "Me too. I’m going in," I added right after. "I’ll take the women’s facility, of course," Empress said, raising her hand. "Papayagan ka ba ng jowa mo?" agad kong tanong sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "This is work. He’s got nothing to do with it." Bigla akong may naalala na siyang ikinalingon kong muli kay Aegia. "Wait, Ae. Di ba, best friend mo si Hescikaye?" Sa wakas ay tumingin na rin siya sa akin. "Oh, ngayon?" maangas niyang tanong, pero sanay na ako sa attitude niyang ganyan. "What if Kennedy recognizes you? Imposible namang hindi pa kayo nagkakaharap ng ama-amahan ni Hescikaye?" "Ang liit ng problema mo. Manahimik ka na lang." Sa inis ko ay hindi ko napigilang sipain siya sa ilalim ng mesa. Pero bigla siyang gumanti nang mas malakas at sa mismong tuhod ko pa tumama ang sapatos niya. "f**k!" Agad ko siyang binigyan ng matalim na tingin habang hinihimas ang tuhod ko, but he gave me the same look—like he was ready to kill me. Damn it. "Aso't pusa na naman kayong dalawa!" sigaw ni Empress sa amin na nasa tabi ko. Huminga naman ng malalim si Glecy. "Kailan mangyayari ang pagpasok?" tanong naman ni Skipper. “First thing tomorrow,” Glecy replied as she adjusted the tablet on the table. “I just need to take care of your fake documents first.” “What are our roles?” Andrei asked. "You, Andrei will be in charge of the supply room. Ikaw ang may access sa mga galaw ng mga delivery sa kulungan. Empress, inmate ka sa women’s facility—makikihalubilo ka sa grupo ni Hannafaye." "Yes!" sigaw kaagad ni Empress, na parang na-excite pa. "Skipper, isa sa mga security officers na makakasama mo," dagdag pa ni Glecy. "Ganun din ako sa kabila namang kulungan. Aegia, bilang inmate din, kailangan mong makuha ang tiwala ni Kennedy." Bumaling siya sa akin. “And you, Silver, you’ll be assigned to the medical unit. Diyan ka may access sa halos lahat ng pasilidad." "What? Hahayaan mong mag-isa na inmate si Aegia?" agad kong reklamo. "Alam mo ba kung sino 'yong mga makakahalubilo niya do'n? Ang liit ng katawan niyan—" “Shut the f**k up!” Aegia quickly snapped at me. "I should be inside, too. He won’t survive in there alone!" I insisted. "What? You think I’m weak?" Aegia snapped. "Don’t forget—you almost died back on the island," I shot back, locking eyes with him. Bigla naman siyang nanahimik. "Nagkataon lang 'yon." "Silver has a point," Glecy said calmly. "But I’m not done explaining. Nag-uunahan na kaagad kayo... Aegia, hindi ka mag-iisa sa loob. May isa pang agent na ipapasok doon—low profile, tahimik, pero reliable. His name is Blaze. He’ll keep watch for you when you can’t." Sabay nangunot ang noo namin ni Aegia. "Sino'ng Blaze?" agad kong tanong. "Blaze? The rookie?" tanong naman ni Aegia habang nakatitig din kay Glecy. "May bago pala tayong agent? Bakit hindi ko alam?" tanong kong muli. "He just arrived last night. Humingi ako ng bagong member sa headquarters dahil kulang na kulang tayo ngayon dito... Mas beterano pa 'yon kaysa sa ating lahat. Kaya huwag niyong husgahan base sa hitsura," sagot ni Glecy. "Bakit? Ano bang hitsura niya?" muli kong tanong. "At bakit wala siya dito ngayon?" “He’s currently in training with a handler. He needs to study the facility’s layout, as well as learn about the three organizations,” she answered. "Ayokong pumasok siyang bulag sa operasyon." “And his looks?” I repeated. “He seems innocent at first. Quiet. Slim, but fast. Hindi mo aakalain na marunong siyang sumaksak o bumaril," sagot niyang muli. "Ah, 'yan ang mga delikado," sabat ni Empress. "Yung tipong akala mo harmless, pero may tinatagong bangis." “Exactly,” Glecy agreed. "Kaya ayoko ng bias. Remember, this isn’t a game. There’s no room for doubt among us. Pag kumalas ang isa, babagsak tayong lahat. And Silver—yes, I understand your concern, but trust is essential here. Besides, you’re in medical. If anything happens, you’ll be their frontliner inside.” Napabuntong-hininga ako nang malalim. Alam kong may punto siya. Pero hindi ko pa rin maalis ‘yung kaba sa dibdib ko. Si Aegia ang tipo ng tao na lalaban kahit sugatan na, kaya minsan kailangan siyang pigilan sa sariling tapang. “Fine,” I whispered. "Pero isang tawag lang, babasagin ko ‘yang pader ng kulungan." Napangisi si Aegia habang nakatitig sa akin. “Go ahead. Let’s see if you can get past security.” "Tama na 'yan," saway ni Empress. "Baka mamaya pati warden masapok ni Silver sa pag-aalala." "Sino'ng maysabing nag-aalala ako dyan?" tanggi ko. "Oh, really?" Aegia asked with a smirk, still staring at me. Bigla naman akong napahinto habang nakatitig din sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng nakatalik ko kagabi sa bar. Parang naririnig ko sa kanya ang boses ng babaeng 'yon. His voice wasn’t fully masculine—yes, it was deep and controlled, but there were moments when a softness slipped into the tone at the end of his words. May tono siyang hindi mo maipaliwanag kung lalake ba o babae. Also, their teeth looked the same, the way they smiled and glanced. Pero imposible. Malamang lasing lang ako kagabi. Paano naman magiging babae itong si Aegia? Eh, mas siga pa siya sa akin. Mas palaban, mas agresibo. Wala ni anino ng lambot sa kilos niya. “Prepare yourselves. We leave at dawn tomorrow,” Glecy said firmly, making me glance back at her. “There’s no turning back.” ****** Natapos ang meeting at pagpaplano. Pero hindi ako mapakali. I couldn’t let Aegia mingle alone with those f*****g bastard inmates. I didn’t trust the new agent. Ni hindi ko pa nga 'yon nakikita. So, I called JohnLord Clarkson, one of the top agents from the Betha Organization. He was also in the medical unit. I decided to have him take my place, while I would go inside the prison posing as one of the inmates. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba ko? Siguro ay dahil sa nangyari kay Aegia kamakailan lang sa Isla Magdalene. That f*****g trauma still haunts me. Kung hindi ako umabot sa area na 'yon, malamang wala na siya. Kamuntik na niya kaming iwan—kamuntik na siyang mamatay. Tatlong tama ng baril ang tinamo niya sa katawan, at hindi ko hahayaang maulit na naman 'yon sa kanya. Besides, we’ve been partners in all our operations for the past five years. Ngayon pa ba kami maghihiwalay? Nakita ko siyang palabas na ng safehouse. Muli kong napansin ang kakaiba niyang lakad. “Ae,” I called out to him. Lumingon din naman siya sa akin at walang emosyong tumitig. "What?" Mas lumapit pa ako sa kanya. "Saan ka ba galing kagabi? Akala ko bumalik ka sa venue?" "Ano bang pakialam mo?" Napakamot ako sa batok sa inis dahil sa mga sagot niya. "Napa-trouble ka ba?" "Ano bang tanong 'yan?" "Para ka kasing maysakit. 'Yong lakad mo iba. Iika-ika ka." I scanned him from head to toe again. "Huwag mong sabihing nabaril ka na naman." Hindi naman siya kaagad nakasagot. Napansin ko rin ang bigla niyang pag-iwas ng tingin at paglunok. “Are you sick?” I asked again. “I’m not sick. May hinabol lang akong magnanakaw kagabi sa amin." My mouth dropped open. "May magnanakaw sa inyo?" "Sa kapitbahay, hindi sa amin." Muli na siyang nagpatuloy sa paglabas ng pinto. "About last night..." agad kong sambit. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad, pero hindi kaagad lumingon sa akin. "What about last night?" he asked, still not looking at me. "I'm sorry for what I said... I just got caught off guard." Doon pa lamang niya ako nilingon. "Wala 'yon, sanay na ako. Akala ko nga namatay ka na. Inihanda ko pa naman na 'yong damit ko para sa burol mo." Mas lalo pa akong napanganga. "What the f**k? Eh, kung unahin kaya kita!" “And how would you do that? You’re my so-called saviour, remember?” He gave me a cocky grin. Inis naman akong napatitig sa kanya. “You better be thankful.” Nginiwian niya lang ako bago tuluyang lumabas, at hindi na sumagot pa. Muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng nakatalik ko kagabi. May oras pa naman ako ngayong araw na 'to. Susubukan ko siyang hanapin. Agad na rin akong lumabas at sinabayan si Aegia sa pagsakay sa mga motorsiklo namin. “Hey, are you free right now?” I asked. "Samahan mo 'ko, may hahanapin ako." "Paano mo nagawang magpakawala ng kalabaw dito sa siyudad?" tanong naman niya habang isinusuot ang helmet niya. "Tch. Babae ang hahanapin natin. Tao. 'Yong magandang babaeng nakatalik ko kagabi sa bar. Kailangan ko siyang mahanap." Isinuot ko na rin ang helmet ko. "Tinamaan yata ang puso ko sa kanya." Pero napalingon ako sa kanya nang bigla na lamang siyang ubuhin... nang sunod-sunod. "Are you okay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD