"SHEA, puwede ba don't give me that look?" Sita sa kanya ni Eldridge. "Look your face," nakaismid niyang sabi. "Sa klase kasi ng tingin mo parang ayaw mo akong umalis." Is he really teasing her? Akala naman nito papayag siyang madihado. "Akala mo lang 'yon." Binuksan niyang muli ang ref. "What do you want for dinner?" "Ikaw." Natingnan tuloy niya ito ng masama. "Isa na lang talaga, Eldridge." Ganoon na lang ang pagtawa nito. "I mean, ikaw ang bahala. Ano ba ang iniisip mo?" "Linawin mo kasi." "High blood ka kasi masyado," anito na nagpaalam na pupunta muna sa salas. Masyado daw kasi siyang tensiyonado. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng mapag-isa sa kusina. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa pagluluto ng kanilang hapunan. Pork Adobo ang niluto niya. Bukod sa madali lang iyo