HINDI naging alintana para kay Shea kahit na masyadong crowded ng gabing iyon sa may tabing dagat ng MOA. Idagdag pa na kanina pang hindi binibitiwan ni Eldridge ang kanyang kamay habang patuloy silang naglalakad. Kanina pa rin siyang may hinahanap na vendor doon. "Nasaan na kaya 'yon?" Clueless niyang tanong. "Alin ba kasi 'yon?" Nginitian niya ito. "Basta." Nang matanawan ang hinahanap na vendor ay mabilis na hinila niya si Eldridge roon. "Nakaka-miss naman ito," aniya habang takam na takam na nakatingin sa mga kwek-kwek na tinda ni Manong. "Wew. Akala ko naman kung ano na." Nang may maalala ay napatingin siya sa binata. Kahit na nasa MOA sila ay street food pa rin iyon. "Hindi ka nga pala mahilig sa ganito. Sayang treat ko pa naman." "Marunong akong kumain niyan," he insisted. "M