"HEY!" Napabaling si Shea kay Elena. "Bakit?" "Bakit? Nakikita mo ba ang sarili mo? Salita ako ng salita pero tulala ka pa rin. Ano bang iniisip mo?" Nginitian niya ito. "Wala." Sabi na lang niya. "Binigay ko na 'yung pasalubong ko sa iyo. Kaya siguro naman puwede mo ng i-share sa akin 'yang nangyayari ngayon sa iyo? Isa pang pagtanggi mo Elena Jimenez at ipapatapon talaga kita." Napabuga ito ng hangin bago sumandal sa sofa. Napatingin ito sa carpet. Dagli rin ang pagdaan ng lungkot sa maganda nitong mukha. Para ngang maiiyak na pero pinipigilan lang. Lalo siyang nag-alala rito. Lumipat si Shea ng upo sa tabi nito. "Ano ba kasi ang nangyari?" Nang tingnan siya ni Elena ay may namumuong luha na sa sulok ng mga mata nito. "Hindi ko lang kasi matanggap, Shea." "Ang alin?" "My parents