NAPANGITI si Shea ng maramdaman ang paglapag ng eroplano sa run way ng NAIA. At last, safe ang naging trip niya. Kanina kasi ay nagkaroon ng turbulence habang nasa ere sila. Kanina pa rin siyang hindi nakakahinga ng maluwag, ngayon pa lang. "Thank you, Lord," anas pa niya bago tumayo at nakisabay sa mga pasaherong palabas na ng eroplano. Nang makuha ang maleta ay agad na rin siyang umalis. Pero bago pa siya makalabas ng airport ay may nabunggo pa siya. "I'm sorry." Hinging paumanhin agad niya sa nakabunggo. "It's okay." Napatingin siya sa mukha ng may ari ng boses na iyon. Seriously? Si Marc Robin iyon at hindi siya puwedeng magkamali. Lalo itong kumisig at gumwapo. Dahil nakasuot siya ng dark shade kaya hindi siya nito nakilala. "I have to go," sabi pa nito bago siya tinalikuran at