"SHOCKS! Talagang napapayag ka nila na gawin mo ang two-piece photo shoot na ito?" Natatawang tanong ni Elena Jimenez habang hawak-hawak ang isang magazine for summer collection kung saan ang kaseksihan niya ang nasa cover. Kalalabas lang niyon sa merkado. "Malaki rin ang in-offer nila para lang mag-cover ako sa isang sikat na magazine. Tatanggi pa ba ako?" "Okay, ikaw na talaga ang International Model." "Nagkataon lang. Alam mo naman ako basta the price is right, go lang." Nasa modeling industry na siya ngayon. At hindi lang siya basta pipitsuging modelo dahil bukod sa madami ang kumukuha sa kanya na kumpanya para lang mag-model ng mga signature brands na damit, bags ay palabas-labas din siya ng bansa. At ang hawak-hawak ng kaibigan niya na magazine, well, hindi na siya nakatanggi dah