Chapter 43

2788 Words

HINDI pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Shea habang sabay nilang pinagmamasdan ni Eldridge ang sunrise. Umaga na rin nang magising sila kaya bawing-bawi sila sa tulog. Siya ang naunang nagising at nang makita niyang malapit ng magkaroon ng sunrise kaya agad niyang ginising si Eldridge para panoorin iyon sa may tabing dagat. At heto nga sila ngayon, magkatabing nakaupo sa buhanginan habang umiinom ng Hot Chocolate na binili pa nito sa Alager Café. "Ilang beses ka ng nakapanood dito ng sunrise?" Basag ni Eldridge sa katahimikan. "Ngayon pa lang. Hindi ko kasi magawang manood nitong mga nakaraang araw. Palaging mataas na ang sikat ng araw kapag nagigising ako. Kaya kanina nang makita kong magsa-sunrise pa lang hindi ko na pinalampas ‘yung chance na mapanood 'yan. Ang ganda, ‘di ba?" "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD