KUNG gaano ka-sumptuous ang event ay ganoon din si Shea. Gusto nga niyang isipin na siya ang star of the night dahil sa taglay niyang ganda ng gabing iyon. Ibinigay niya ang best para magmukhang masaya. Kahit na ang totoo ay masama pa rin ang kalooban niya. No sign of Eldridge simula ng tawagan niya ito kahapon na lalong nagpapasikip sa dibdib niya. Kung bakit kasi ang hirap nitong iwaglit sa kanyang isipan para makapag-focus siya sa event na iyon. Nang pumailanlang na ang kantang 'From This Monent' ni Shania Twain ay taas noo si Shea nang lumabas mula sa back stage suot ang pinagmamalaking wedding gown ng pamosong designer sa bansa na si Justine Mari. Nasa kanya ang spot light ng mga sandaling iyon. Deretso lang ang tingin ni Shea sa ramp stage na may red carpet habang marahang naglala