Chapter 40

1515 Words

MAG-AAPAT na araw na rin na nagpabalik-balik si Eldridge sa unit ni Shea ngunit wala pa rin ito. Hindi pa rin umuuwi. Gusto niyang isipin na maayos lang ito ngayon pero naroon pa rin 'yung pangamba niya na baka matagal bago muli niya itong makita. Ayaw niyang mangyari iyon kaya madalas siya sa unit nito at naghihintay sa pagbabalik nito. Umaasa pa rin siya katulad noong ginawa niya eight years ago. "Sir, here's your order," anang waiter ng Night Out Bar na pinuntahan niya ng gabing iyon. Inilapag nito ang umuusok-usok pang sisig na nasa sizzling plate. "Thank you," halos anas lang niya. Wala siyang kagana-gana. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa kompanya ng Lola niya. Naturingang siya pa ang CEO. Sa ngayon wala siyang pakialam. Isa lang ang gusto niya, makitang muli si Shea. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD