Dahil sa malakas nilang sigawan ay napasugod ang iba pa nilang kasama. Abala Naman kasi silang lahat sa kani-kanilang tungkulin kaya't nagulat sila sa kalabog. Iyon pala ay bumalandra na sa isang sulok si Yasmine a.k.a Ellysa. Pinalipad ito ng dalagang Marcus. Ang bunsong anak ng kanilang Bossing Romano at Mama Martha. Sa hitsura pa lamang nito ay halatang nalaman na nito ang katutuhanan. Idagdag pa ang presinsiya ng kinaiinisang babae. Si Yasmine. "Ate, anong nangyayari rito?" maang na tanong ni Mona sa kapatid saka naging mabilis din ang kilos upang sakluluhan ito. Nakabalandra naman pa naman ito sa isang sulok. "Mona, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay nasa duty ka?" balik-tanong ni Yasmine. Nagulat siya kung bakit nandoon pa ang nakababatang kapatid. Buong akala naman niya ay na