"Anong plano mo ngayon, Love?" tanong no Mrs Cojuanco as asawa. "Do you mean our daughter, Love?" tugon naman nito. "Oo, Love. Alam kong nabobosesan niya tayo. Kitang-kita sa mukha kanina. Maaaring hindi nagsalita pero alam at ramdam kong nakikiramdam siya. Kaya't naitanong ko kung ano ang plano mo." Naupo ang Ginang sa tabi ng asawa. "Huwag kang mag-alala, Love. Dahil matalino ang mga anak natin. Nagkataon lamang na subrang tapang itong bunso. Akala ko ay bunga lamang ng kamusmusan nila ang mga binitawan niyang salita bago nangyari ang lahat. Subalit ginamit pala niya ang galit niya sa mga may kagagawan sa sunog upang magpatuloy sa pagiging alagad ng batas. Tungkol sa tanong mo ay hintayin natin si Michael Carrick. Nakapag-usap na kaming dalawa at sabi niya ay may kailangan muna siyang