Couples of months later... Abala ang lahat sa paghahanda sa unang death anniversary ng yumaong si Lola Rosa kasabay ng unang kaarawan ng second baby nina Zandro at Jamaica. Si Baby Dos o Romeo Sanchez II. Napagkasunduan ng mag-asawa na huwag na sanang magkaroon ng bonggang celebrasyon para sa kaarawan ng bata. Ang nais nila ay simpleng salo-salo na lang sana pero hindi pumayag ang mga magulang ni Zandro. "Hindi maaring walang celebrasyon mga anak dahil minsan lang sa isang taon iyan. Saka mayroon naman tayong gagamitin ah, pinaghandaan natin noon ang unang baby ninyo sa kaarawan niya tapos ngayon sasabihin n'yong wala ng handaan? Hindi iyan maari mga anak." Umiling-iling na salungat ni Tatay Ronald na agad namang sinegundahan ng may-bahay na si Aling Sharon. "Tama ang tatay ninyo mga an