Isang araw naisipan niyang lumabas sa kaniyang kuwarto. Alam niyang nagtataka na rin ang mga magulang niya dahil na rin sa pabago-bago niyang modes. At halos gabi-gabing nandoon si Ellysa samantalang halos isumpa niya ito. Kaso siya ang nangangailangan kaya't kailangan niyang pakisamahan. Subalit kung kailan hindi ito biglang sumulpot sa kaniyang kuwarto ay sa cellphone naman ito nanggugulo. She's calling him again. Kung maari nga lang niya itong tiris-tirisin ay ginawa na niya! "Ano na naman ang kailangan mo?" masungit niyang tanong sa cellphone niya. Nakakunot-noo siya na para bang nasa tabi niya ang kausap. Salubong pa ang mga kilay niya. Wala nga ito sa tabi niya ay sa tawag naman ito dumaan. Pero kagaya niya ay nakakapanibago rin ang pagsagot nito. Parang may kabaitang dumalaw sa p