"Okay ka na ba, Miss Marcus?" tanong ni Yasmine sa dalaga. "Oo naman, bakit hahamunin mo ako ng duwelo? Hindi kita uurugan kung iyan ang nais mong ipakahulugan," tugon ng dalaga. Tuloy napahagikhik ang dalawa nilang kasama. Sina Chito at Mona. Kasalukuyan naman kasi silang nasa likuran ng bahay. Malawak ito at maaring gamiting dueling area. Saka ilang buwan na siyang tambay, pakiramdam niya tuloy ay nagsisimula pa lang siya. "Bakit ang tapang-tapang mo, Ate JM?" humahagikhik na tanong ni Mona. "Natural na iyon, Mona. Dahil nga alagad siya ng batas." Hagikhik pa ng binata. "Eh, alagad ng batas si Papa Romano pero hindi ganyan katapang." Bungisngis pa ng dalaga. Dinig na dinig nila Yasmine at JM ang usapang iyon pero para sa huli ay walang kaso iyon. Hindi naman niua sila masisisi dahi