Few days later... "Iha, where have you been all those years? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Where's your sister?" mga katagang nanulas as labi ni Anna Marie nang dumating sina Chito at Mona. "Tama ba ang nakikita ko, Iha? Hindi ko na itatanong kung kumusta ka dahil alam ko namang hindi naging madali ang buhay ninyo simula umalis kayo. Sa hitsura mo pa lamang ay halatang grabe ang hirap na pinagdaanan ninyo," wika naman ni Paul. Pinaglipat-lipat pa nga nito ang paningin sa kanila ng pamangkin niya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang una niyang sasagutin. Mainit pa rin ang pagtanggap nila sa kaniya na para bang walang nangyari. Napatingala siya sa kasintahan at nagpasaklolo. Subalit pinisil-pisil lamang nito ang palad niya kasabay nang pagtango. Para bang sinasabing it's okay, everything