"Dalawang taon na pala simula nang umalis kami ni Ate Yasmine sa siyudad. Hindi ko akalaing magkikita pa tayong muli, Maha-Chito," Mahal nais sanang sabihin ng dalaga subalit agad niyang iniba dahil pakiramdam niya ay wala na siyang silbi. Sa loob ng dalawang taon na umalis sila sa siyudad ng Manila ay hindi naging madali ang buhay nila lalo at sugatan silang magkapatid. Maraming batikos at panlalait ang naranasan nila dahil na rin sa tama ng baril sa likuran ng kapatid niya. Sa balikat naman sa kaniya. May ipon silang umalis sa compound ng mga Cojuanco subalit dahil hindi agad sila nakapagtrabaho ay unti-unti rin itong naubos. Nakapasok nga siya sa trabaho sa hospital bilang Doctor subalit naging sakitin naman ang Ate Yasmine niya hanggang sa tuluyang nagsauli ng buhay subalit may iniwan