"Huwag n'yo nang hanapin ang anak ninyo dahil mamatay lang kayong lahat." Ang nilalaman ng death threat na ibinato sa bahay ng mag-asawang Jullianna Marie at Michael Carrick. Pero walang magulang na hindi gagawin ang lahat para sa anak. Kagaya ng mag-asawa, hindi sila tumigil sa paghahanap sa nawawala nilang sanggol. Isang araw, naging panauhin ng mag-asawa ang mga magulang ng una. Kasama sina tatay Melchor, Chito at Mona. "Kumusta ang paghahanap ninyo mga anak? Hindi ko na tatanungin kung kumusta kayong dalawa dahil kitang-kita ko namang wala kayo sa hulog. May lead na ba kayo kung nasaan si baby Matt Joshua?" agad na tanong ni Paolo ng sila ay nakapasok. "Wala pa nga po, Papa. Hindi ko alam kong hanggang saan nila itatago si baby. Wala naman kaming alam na kaaway para gawin ito sa