"Mag-usap nga tayo, Ate. Noong una ay hinahayaan lamang kita pero mukhang iba na any natatahak mong landas ah. Mayroon na kaming hindi nalaman, Ate?" deretsahang tanong ni Mona sa kapatid niya nang natiyempuhan niya ito. Bihira na kasi niya itong makita ilang buwan na ang nakalipas. Noong una ay inakala niyang normal lang ang hindi nila pagkakaparehas ng trabaho kaya't dumalang na hindi niya ito nakikita. Iba na rin ang nagpaparamdam sa kaniya kaya't napagdesisyunan niyang kausapin ito. Akala nga niya ay okay na ito simula nakulong ang mga tanong gusto nilang ipakulong pero ilang buwan na itong bumalik sa pagiging lagalag. "Ano na naman ang pinagsasabi mo? Hindi ka na ba tumitigil sa pagdududa sa akin? Saka isa pa, kailangan ko bang ipaalam sa iyo ang bawat liko ko sa buhay? Aba'y huwa