"Congratulations, Mr and Mrs Garcia." Nakangiting inilahad ng OB Doctor na sumuri kay JM ang palad. "Doctor, Baka puweding ibalita mo muna ang good news bago mo kami e-congratulate," nakangiwing angal ni JM. Kaso ang doktora ay napatawa dahil sa tinuran niya. Masapak niya ito eh! Kung OB nga lang sana si Mona ay dito na siya nagpa-check up. Doctor kung maituring eh ang lagkit nang paningin sa asawa niya! Kapag siya ang mapuno mapapalipad niya ito ng wala sa oras. "Ikaw na yata ang buntis na walang kaarte-arte sa katawan. Mag-apat na buwan na ang nasa sinapupunan mo pero wala ka pa ring kamalay-malay kung ano ang dahilan kung bakit ko kayo binabati." Hinarap siya nito. "Totoo, Doctor? Buntis ang asawa ko?---" hindi na rin tinapos MC ang sinasabi sa manggagamot dahil hinarap niya ang asa