"Kuya, kilala na namin kung sino ang may-ari ng apartment na pinuntahan natin no'ng nakaraan." Napaayos ako nang upo nang mabasa ko iyon. Dito na ako sa bahay ng mga Aragon natulog. Ipalilinis daw muna ang sasakyan ko na sinukahan ni Bithiah. Kaya hindi na ako umuwi at nakitulog na rito. Agad kong tinawagan ang kapatid ko. Si Ninong Yko na nagkakape sa kabisera ay napatingin sa akin. "Dale?" "Kuya, it's Kid. Iyong tauhan nila Uncle Yko." Agad kong in-loud speaker iyon. "Say it again. Nakikinig din sina Ninong at auntie." Udyok ko sa kapatid. "Iyong may-ari ng apartment ay si Kid. Iyong pinuntahan natin at nakita nating may mga larawan nila Bithiah at may marka pang 'X'." "Proof." Seryosong ani ko sa lalaki. "I'll send it to you." Naghintay kami. Pagkatapos ay dumating naman ang vid